DALAWANG LINGGO matapos na ibasura ng Commission on Elections ang protesta ng talunang pulitikong si Celso Lobregat sa pagka-alkalde ng Zamboanga, patuloy naman ang dagsa ng papuri kay Mayor Beng Climaco sa naturang desisyon ng poll body.
Matatandaang naghain ng protesta si Lobregat laban kay Climaco matapos itong matalo sa nakaraang halalan. Hindi matanggap ni Lobregat ang resulta ng eleksyon matapos itong ilampaso ni Climaco na nagwagi ng malaking agwat.
Nakakuha si Climaco na 146,079 boto kumpara kay Lobregat na 112,343 boto lamang. Landslide ang panalo ni Climaco at mistulang “double knockdown” naman ang sinapit ni Lobregat – natalo na sa halalan ay natalo pa rin sa protesta.
Sa 8 pahinang desisyon ng COMELEC, sinabi ni Presiding Commissioner Luie Tito F. Guia at Commissioner Socorro B. Inting, na ang election protest ni Lobregat ay “insufficient in form and content.”
“Lobregat’s protest failed to reflect a detailed specification of the acts or omissions complained of showing the electoral frauds, anomalies or irregularities in the protested precincts, in accordance with Section 9(b), in relation to Section 7(g), Rule 6 of Comelec Resolution No. 8804 (Comelec Rules of Procedure on Disputes in an Automated Election System),” ayon sa desisyon.
Walang pahayag si Lobregat ukol sa desisyon ng COMELEC.
Sinabi naman ni Climaco na masaya ito sa naging pahayag at desisyon ng COMELEC at una nitong pinasalamatan ang Diyos.
Pinuri rin ni Climaco ang kanyang legal team sa pangunguna ni Atty. Quirino Esguerra. “I am very happy about it. I am humbled and grateful to the people (for the opportunity to serve them as mayor). With this, we hope to end the animosities and energies that we have had in the last elections. Let us move on,” ani Climaco.
Pinasalamatan rin ni Climaco ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya at nangakong ipagpapatuloy ang isang tapat at malinis na administrasyon.
Nanawagan rin si Climaco sa mga iba pang talunan at supporters ng mga ito na tanggapin ang naging desisyon ng poll body at ang kagustuhan ng taong-bayan.
Binaha rin ng papuri si Climaco mula sa mga netizens na sumusubaybay sa kanya sa Facebook. “Lol, hinde pa ta pwede man move on (si Lobregat). I heard stories na hinde pa daw ta pwede kre, but this is it. People don’t want you anymore. People want economic growth, infrastructures,” ani Michael Lagonera sa comment nito sa Facebook account ni Climaco.
“All the best Mayor Beng!!! We are happy of your performance. God bless you,” wika pa ni Jo C Lyn.
Ito naman ang sinulat ni Fortune Guevarra: “Mayor Beng, wish you all the best! Bola bola di Celso!”
At kung si Toledo Curay Arlisa ang tatanungin, malinaw ang kagustuhan ng publiko at si Climaco ang nagwagi. “Congrats Madam Beng. The voice of the people have spoken.”
Maituturing na historical sa kasaysayan ng Zamboanga ang pagkawagi ni Climaco dahil siya lamang ang nakatalo kay Lobregat mula ng ito ay naging congressman at mayor.
Ang lolo naman ni Climaco na si Mayor Cesar Climaco ay siya rin tumalo noon sa nanay ni Lobregat na si Maria Clara Lobregat na naging mayor at congresswoman rin. Maging si Jomar Lobregat, na ilang ulit na rin tumakbo bilang congressman sa District 1 at District 2, ay lagi rin talo sa halalan. At nagpupunta lamang ito sa Zamboanga sa tuwing malapit na ang eleksyon upang muling tumakbo. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

No comments:
Post a Comment