PATULOY NA tumataas ang bilang ng mga nag-positibo sa Wuhan coronavirus o COVID-19 sa bansa at pumalo na ito sa mahigit apat na dosena at inaasahang lulobo pa ang bilang sa buong bansa matapos na may naitalang mga local transmission.
Noong nakaraang linggo lamang nag-deklara si Pangulong Duterte ng “public health emergency” sa kabila ng malawakang panawagan matapos na pumutok ang nasabing virus sa Wuhan City sa Hubei province sa China noong nakaraang Disyembre.
Marami ang nanawagan na huwag papasukin ang mga Chinese tourists sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, subalit hindi naman pumayag si Duterte at baka umano magdamdam ang Beijing sa naturang hakbang.
Ngayon, maging si Duterte ay nag-self quarantine na rin sa takot nito na mayroon siyang virus. Gayun rin si Senador Sherwin Gatchalian matapos na mag-positibo sa coronavirus ang isang resource person sa Senado, at Manila Mayor Isko Moreno na galing pa sa United Kingdom.
Dahil sa lumalalang sitwasyon ngayon, naglabas ng karagdagang surveillance teams ang Department of Health (DOH) upang ma-trace ang mga tao na posibleng nahawaan ng COVID-19. “The DOH and deployed surveillance teams are now conducting extensive information-gathering and contact tracing activities on the new cases. DOH will provide further details as soon as the information is available,” ani Health Secretary Francisco Duque.
Maging ang mga positibo sa coronavirus sa ibat-ibang pagamutan sa bansa ay tinututukan rin ng DOH. “DOH is continuously monitoring the statuses of all patients to ensure that no complications arise throughout their recovery,” wika pa ni Duque.
May tinututukan rin ang DOH sa Northern Mindanao matapos na isugod sa pagamutan ang isang pasyente dahil sa hinalang may coronavirus ito. Nakikipagtulungan na rin ang DOH sa mga local governments upang masigurong handa ang mga ito sa coronavirus at mapangalagaan ang kalusugan ng lahat.
“DOH is also in close coordination with concerned local government units and Centers for Health Development for the implementation of infection prevention and control measures at the local level, and the Philippine National Police and other government agencies and concerned stakeholders for identification and management of close contacts.”
“With the increasing number of cases, I implore everyone to fully cooperate with us in investigation and contact tracing activities. Individuals with a known history of exposure and travel presenting with mild symptoms are advised to self-isolate and undergo home quarantine for 14 days. Those presenting severe and critical symptoms need to be immediately admitted to health facilities. Please contact DOH and call the designated hotline at (02) 8-651-7800 loc 1149-1150 for appropriate management and referral,” ani Duque.
“I would like to again remind everyone to please help us help you. Practice personal preventive measures such as proper hand hygiene, cough etiquette, and social distancing. We also advise everyone to avoid visiting public places or attending mass gatherings at this critical time. Only with your cooperation and support can we win our fight against COVID-19,” dagdag pa nito.
Naka-lockdown na rin ang buong Maynila dahil sa quarantine na ipinag-utos ni Duterte. Mula Marso 15 hanggang Abril 14 nitong taon ay hindi papayagan ang paglabas o pagpasok sa National Capital Region - maging eroplano man, barko o sa kalupaan.
Online Sellers
Presyo ng alcohol overpriced sa mga online resellers. Bleach ay maaaring gamitin panlinis sa bahay. (Mindanao Examiner Photo)
Nagkakaroon na rin ng panic buying sa mga alcohol sa ibat-ibang supermarket sa bansa sa takot na magkaubusan. Ngunit tanging tubig at sabon lamang ang tugon ng karamihan upang mapanatiling malinis ang kanilang mga kamay.
Ang iba naman ay Clorox na hinaluan ng tubig ang ipinanglilinis sa kanilang mga kagamitan sa bahay. Inihahalo sa isang galon ng tubig ang bleach na puno sa takip ng Clorox at ito ang kanilang sukatan upang masigurong patay ang mga mikrobyo o virus. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment