MADALAS NATING naririnig ang pagbibigay parangal sa mga pulis na nakikipagbakbakan sa ngalan ng kapayaan at kaayusan, ngayon sila naman ang nagbigay pugay sa mga bayaning health worker sa rehiyon dos.
Sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ay nagpaabot ng papuri ang mga pulis sa mga bayaning duktor, nurse, medical technologist at iba pang mga kawani ng ospital.
Matapos ang kanilang matagumpay na paggamot sa labing walong nag-positibo sa COVID-19 na ngayon ay pawang nakauwi na sa kani-kanilang mga pamilya.
Inalayan din ng mga pulis ng awitin ang mga kawani ng CVMC bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo.
Ayon kay Police Brigadier General Angelito Casimiro, regional director ng PNP region 2, kahanga-hanga ang ipinamalas na galing at dedikasyon ng health worker dahil sa kabila ng banta ng kalabang hindi nila nakikita ay buong tapang pa rin nilang ginagawa ang kanilang tungkulin.
“Maraming salamat sa inyong sakripisyo at sana ay isa ang rehiyon natin na ma-lift ang enhanced community quarantine para makabalik na tayo sa normal lalo na ang mga magsasaka,” pahayag ni Casimiro.
Lubos naman ang kagalakan ng mga kawani ng ospital sa pagkilalang kanilang natanggap mula sa mga pulis. Hindi nila inaasahan na sila’y itinuturing na bagong bayani dahil sa pagsisilbi sa mga nagkasakit ng COVID-19.
“Kami po ay nagtrabaho lamang at hindi naming hinangad na mabigyan ng ng ganitong pagpupugay. Ito po ay magsisilbing dagdag inspirasyon para pagbuthin pa an gaming pagtatrabaho,” pahayag ni Baggao.
Sa ngayon ay wala ng COVID-19 positive case sa Cagayan Valley Region subalit meron paring mga suspected cases kung kaya binigyang diin ni Dr. Baggao na tuloy parin ang laban at huwag magpakampante ang mga mamayan.
Samantala, inihayag ni Dr. Baggao na ininspeksiyon na rin ng Department of Health, Research Insttitute for Tropical Medicine at World Health Organization (WHO) ang COVID-19 laboratory testing center na ipapatayo sa CVMC.(By Oliver T. Baccay)
No comments:
Post a Comment