KUMAKALAT NGAYON sa Zamboanga City ang ilang mga placards ukol sa di-umano’y korapsyon sa pondo ng gobyerno sa gitna ng Covid-19 pandemic.
‘Placards, ikinakalat sa Zambo’
Hindi naman agad mabatid kung ang mga placards ba ay may kinalaman sa mga kumakalat na black propaganda laban kay Pangulong Rodrigo Duterte o sa mga tiwaling opisyal ng mga ahensya sa pamahalaan.
Dalawang larawan rin ng mga placards ang natanggap ng Zamboanga Post at ito ang nakasulat mula umano sa grupong “Alumbra”: “Ladron na pondo del gobierno ay contra del gobierno.”
Mistulang nananawagan ang di-kilalang grupo na mag-alsa ang publiko laban sa gobyerno dahil sa bintang ng korapsyon o nakawan sa kaban ng bayan.
Bagama’t walang ebidensyang inilabas ang nasabing grupo o tahasang bintang sa sinumang opisyal, ang propaganda ay lumutang sa kasagsagan ng mainit na isyu ng SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Duterte at iba pang opisyales ng pamahalaan.
Ito ay matapos na hinigpitan pa ng Ombudsman ang pagpapalabas ng SALN ni Duterte at mga opisyales ng pamahalaan sa media base sa Memorandum Circular No. 1 na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires.
Maging ang isyu ng pagtugon ni Duterte sa Covid-19 ay binabatikos rin ng mga kritiko ng Pangulo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang nito sa bansa.
Pinalagan ni Duterte ang batikos at nanawagan sa publiko na huwag maniwala sa mga “dilawan” o oposisyon. “Huwag ho sana kayong maniwala diyan sa mga dilawan, opposition, na hampas dito, hampas doon, kung anong pinagsasabi,” ani Duterte.
“So I hope that everybody would listen to reason. Makinig kayo sa rason. Huwag ‘yang basta na lang maniwala ka na ganito, ganito,” dagdag pa ng Pangulo.
Posibleng imbestigahan naman ng pulisya o National Bureau of Investigation kung sino ang nasa likod ng mga kumakalat na propaganda placards. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment