KIDAPAWAN CITY – Todo ang pasasalamat ng mga residente ng Makilala sa tulong na ipinamahagi ni Governor Nancy Catamco bilang suporta sa mga biktima ng nakaraang lindol na ngayon ay nanatili pa rin sa mga relocation sites sa kalagitnaan ng coronavirus pandemic.
Mahigit sa P6 milyon ang naipamahagi ni Catamco sa mga residente ng Barangay
Luayon. Umabot sa 606 ang benepisyaryo ng ayuda mula sa butihing gobernadora. “Ang
importante bisan hinay-hinay pero naay solusyon ang sitwasyon,” ani Catamco.
Sinabi naman ni Malasila Barangay Chairman Melvin Fortajada na lubhang
napakaswerte ng mga residente ng taga-Luayon sa tulong na naigawad sa kanila ni
Catamco.
Sa covered court ng Malasila isinagawa ang distribusyon ng tulong sa
mga benepisyaryo na katanggap ng P10,000 bawat isa at ito ay liban pa sa mga
tulong-pinansyal na matatanggap ng mga biktima mula sa National Government.
Tiniyak naman ni Fortajada na ang lahat ay malugod nyang tinatanggap
bilang residente, kaugnay ito ng panukalang itatayong relocation site sa
Malasila.
Nagpaalala naman si Catamco sa bawat isa na maging maingat at
panatilihin ang physical distancing at sumunod sa health protocols at
quarantine guidelines. “Dapat ay panatilihing ang pag-iingat laban sa banta ng
Covid-19. Lahat tayo ay biktima ng panahon, ngunit ang ating pagkakaisa ang
syang solusyon,” wika nito.
Kasama ni Catamco sa aktibidad sina Mayor Armando Quibod at kanyang
maybahay na si Conchita Quibod; Board Members Onofre Respicio at Dr. Philbert
Malaluan, gayun rin sina Councilors Christine Ang-Malaluan, William Apostol, at
Teoderito Orbita.
Nagpapasalamat si Catamco sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal
na pamahalaan ng Makilala, kawani ng ibat-ibang ahensya ng provincial
government. (Rhoderick Benez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:
Post a Comment