Friday, November 20, 2020

Indonesia handang tumulong sa North Cotabato

NORTH COTABATO – Lubos ang pasasalamat ni Governor Nancy Catamco sa suporta ng Indonesia sa pagsusulong ng kaunlaran ng North Cotabato.

Ito ay matapos na bumisita kay Catamaco kamakailan lamang si Indonesian Consul General Dicky Fabrian kasama ang ilang kawani ng Embahada ng Indonesia.

Napag-usapan nina Catamco at Fabrian ang pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga proyekto at programa at palitan sa pamilihan ng produktong agrikultura at negosyo.

Naghayag rin ng kagalakan ang Gobernador sa pakipagpulong ng Consul General sa kanya at inilahad ang posibilidad na magkaroon ng Agri-Expo at investment benchmarking kung matuldukan na ang pandemia sanhi ng Covid-19.

Sinabi ni Catamco na isang magandang pagkakataon ang nabuo sa naturang pulong dahil makakatulong ito ng malaki kasabay ng pagbubukas ng Central Mindanao Airport sa bayan ng M’lang.

Inilahad din ni Catamco ang posibilidad na magkaroon rin ng direct flights mula North Cotabato patungong Indonesia. Malugod naman itong tinanggap ni Fabrian at naghayag isya ng kahandaang tumulong upang maisulong ang kaunlaran ng North Cotabato.

Layun ng Indonesia na mas mapabuti ang relasyon ng kanilang bansa sa North Cotabato at malaking pondo rin ang nailagak nito sa Pilipinas na umaabot sa $7 bilyon at malaking porsyento nito ang napunta sa Mindanao. (Rhoderick Benez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates