FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, November 9, 2020

Mga bangkay ng Sayyafs, pinaghahanap pa rin sa Sulu

PATULOY ANG paghahanap ng militar sa mga bangkay ng napaslang na mga miyembro ng Abu Sayyaf sa labanan na naganap sa karagatan ng Sulu.

Kamakailan lamang ang natagpuan na ang isang bangkay sa baybayin ng Sulare Island sa Sulu, ayon kay Maj. Gen. William Gonzales, ang commander ng Joint Task Force Sulu.

Sinabi ni Gonzales na ang bangkay ay nakilalang si Dave Sawadjaan na pamangkin ni Abu Sayyaf leader Hajan Sawadjaan at pinsan naman ni Mundi Sawadjaan, na kilabot ng terorista.

Pitong Abu Sayyaf ang napatay ng militar sa karagatan nitong buwan lamang habang patungo sa Surigao ang mga terorista sakay ng kanilang speedboat. Doon umano dudukot ng mga negosyante o resort owner ang naturang grupo, subali't ayon naman sa Malaysian media ay sa Sabah ang destinasyon ng mga ito. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment