FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, November 9, 2020

Teenager pinatay!

ISANG 16-anyos na lalaki ang pinatay ng hindi pa nakikilalang killer sa bayan ng Talitay sa magulong lalawigan ng Maguindanao sa Muslim autonomous region.

Ayon sa pulisya, binaril si Butucan Taup sa leeg at bibig di-kalayuan sa munisipyo kamakailan lamang. Galing sa palengke ang biktima at pauwi na sana ng ito ay tambangan. 

Naisugod pa sa Dinaig District Hospital ang biktima at inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center upang bigyan ng lunas, ngunit hindi na ito nasalba.

Sinabi ng pulisya na .45-caliber pistol ang ginamit ng killer sa pagpatay sa menor de edad. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at ang motibo sa pagpatay. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment