KALABOSO ANG isang kilabot na drug pusher makaraang mahulihan ito ng mahigit sa P1 milyon halaga ng shabu sa "buy-bust" operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sibutu sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na si Tiblan Basa matapos itong madakip kamakailan sa Barangay Nunukan ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng pulisya at militar.
Nabawi mula kay Basa ang tinatayang 150 gramo ng shabu. Hindi pa mabatid kung saan galing ang droga at kung sino-sino ang mga binabagsakan nito sa nasabing bayan. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





