FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, January 3, 2021

Droga nabawi sa Butuan buy-bust

LIBO-LIBONG halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isang tulak droga sa inilatag na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Caraga (PDEA-13) sa Butuan City.

Kinilala ni Butuan City police chief Col. Canilo Fuentes ang nadakip na si Roger Cuaresma Omandam, 42-anyos at residente ng Barangay Holy Redeemer. 

Nakuha mula sa suspek ang 20 gramo ng ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P236,000 at P20,000 na marked money.

Sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy ang kanilang operasiyon kahit sa kasagsagan ng holiday season.

Pinasalamatan din nito ang suporta ng mga residente na nagsumbong para sa ikadarakip ng suspek sa inilunsad na operasiyon sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment