FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, January 3, 2021

Obispo ng Kidapawan, may hiling!

NORTH COTABATO - Umaasa si Kidapawan Bishop Jose Bagaforo na higit na pagpalain at biyayaan ng Panginoon ang bawat isa sa pagsisimula ng bagong taong 2021.

Ito ang bahagi ng panalangin ni Bishop Bagaforo, kasalukuyang national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, kaugnay sa pagtatapos ng 2020 na nabalot ng iba’t ibang mga pagsubok at hamon.

Apat ang pangunahing panalangin ng Obispo para sa diocese of Kidapawan at sa buong bansa ngayong 2021.

Kabilang sa mga panalangin ng Obispo ay ang matagumpay, masaya at makahulugang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas na mahigit siyam na taong pinaghandaan ng Simbahan sa bansa.

Panalangin rin ni Bishop Bagaforo ang ganap na pagiging matapat, makatao at maya-Diyos na sambayanang Filipino lalo’t higit ng pamahalaan upang higit na mangibabaw ang pagkakapantay-pantay at kasaganahan para sa lahat.

Binigyang diin rin ng Obispo ang mariing pagtutol sa mga isinusulong na death laws sa bansa na makasisira sa kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.

Tutol din siya sa ang divorce law, euthanasia, abortion at same sex marriage.

Dasal din niya ang tuluyang pagsugpo sa Coronavirus pandemic sa bansa na nagdulot ng malawakang krisis hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya at buhay ng bawat mamamayan. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment