DAVAO CITY – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na saksakin ang mga taong gumagamit ng kanyang pangalan o mga miyembro ng kanyang Gabinete at opisyal ng pamahalaan at nagsabing huwag magbibigay ng anumang suhol.
“Kung malaman namin, madisgrasya ka pa. Iyong may mga tao na nag-iikot
na sabi nila lalakarin nila, alam mo ang gawain ninyo kung nagbigay na kayo ng
pera, purnada talaga kayo kay hindi naman totoo ‘yan. Saksakin na lang ninyo.
Saksakin na lang ninyo,” ani Duterte sa pagtuturo kung paano ang gagawin.
Huwag rin umanong gumamit ng baril at makakatawag ito ng pansin dahil sa
maingay ang putok ng bala kumpara sa patalim.
“Huwag mong barilin kasi maingay. Madali kang mahuli. Saksakin na lang
ninyo. Wala ‘yan. Ito ‘yung mga parasites, mga linta, and they thrive on the
gullible iyong pati ‘yung naive na lolokohin mo ‘yung kapwa mo tao. Kasi kung
alam mo kung straight ka, ang contract mo maganda, kumpleto, walang kulang, you
do not have to convince anybody that it is really good because it is really
good. Then ba’t — ba’t kayo pumasok…? Maniwala itong mga tao na ito,” paliwanag
pa ni Duterte.
Huwag rin umanong maniniwala sa mga litrato na nagpapakita sa mga
opisyal kasama ang mga ibang tao at hindi umano ito patunay na malapit sila sa
isat-isa.
“Itong putang inang itong corruption — at I am speaking in behalf of sa
amin lahat dito — ‘yung gamitan ng pangalan,” sambit pa nito. “Alam mo kami
politiko, lalo na noong election, kung sinong lumapit sa amin magpa-photo, o
‘di pinagbigyan. Politiko, boto ‘yan eh. Ngayon, peace time na, tapos na ang
election, itong lokohan na pakita nila katabi ko sila o sa kasal na
magkakumare, kumpare kami, tapos may nilalakad, tapos sabihin na lalakarin
namin ‘yang papel mo, bigyan mo kami ng down payment ng ano.”
Sinabi pa ni Duterte sa publiko na huwag magpapaloko at inutusan ang
National Bureau of Investigation (NBI) na dakpin ang mga taong gumagamit ng
kanyang pangalan.
“Alam mo, walang nagpapaloko — walang, walang naloko kung walang
magpapako — magpapaloko. I am calling on the NBI to double their time
pangpahuli nito. Hulihin ninyo ito tapos kung ano, ma-detain ninyo ‘yan sa
gabi, wala pa naman ‘yung — bago ninyo dalhin sa korte to — for filing of the
cha — idaan mo nga sa MalacaƱan. Tignan ko lang ang pagmumukha nito. Ang sarap
kasing mag-ganoon ng mukha, mag — iyang mukha ng tao paliitin mo kasi maraming
sumbong dito sa amin,” ani Duterte. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:
Post a Comment