FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 6, 2021

Killer ng ex-cop, di pa rin kilala

HINDI PA rin nakikilala ang 2 kriminal na pumatay sa isang retiradong parak sa Koronadal City at kung ano ang motibo ito.

Binaril ng 2 lalaking nakasakay sa motorsiklo si Armando Domingo, na dating sarhento ng pulisya sa naturang lugar, kamakailan lamang. Tinira si Domingo habang bumababa mula sa isang tricycle sa Zulueta Street sa Barangay Zone 1 at di-kalayuan sa palengke.

Ang biktima ay residente ng Purok Leganes sa Barangay Zone 1.

Ayon kay Lt. Reynaldo Sotelo, ang chief investigator, ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa kaso. Posible rin umanong may kinalaman sa dating trabaho ng biktima ang krimen.

Sinabi ni Sotelo na si Domingo ay naitalaga pa sa South Cotabato Provincial Police Office bago nag-retiro dalawang taon na ang nakalipas.

Ipinahayag naman ng nakasaksi sa pamamaril na nakita mismo nito kung papaano binaril ng patalikod ng angkas ng motorsiklo ang biktima bago tuamakas. Ayon sa saksi, ang driver ng motorsiklo ay naka-helmet habang naka-bonnet naman ang angkas nito na siyang bumaril kay Domingo sa ulo.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang limang mga basyo ng .45-caliber pistol. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment