FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 6, 2021

Pinas lubog sa utang, ekonomiya bagsak!

PATULOY NA lumulubog sa utang ang bansa dahil sa walang humpay na kahihiram ng salapi ng administrasyong Duterte at ngayon ay inamin ng Pangulo na bagsak na rin ang ekonomiya ng bayan, ngunit mabilis rin nitong ibinato ang sisi ng lahat sa Covid-19 pandemic.

“Do you really want to know what’s happening in our economy? You talk to (Finance Secretary Carlos) Dominguez. Alam mo lahat ng bayan ngayon ng buong mundo bagsak, talagang bagsak. Tayo, maganda na sana noong hindi dumating ‘yung Covid, we were doing fine. Hindi naman ‘yung very good. We were doing good. Tapos dumating ‘yung Covid. Walang kita, walang ano.”

“Ngayon, mababa na ang value… Well, ang GDP (Gross Domestic Product) natin sabi ngayon it’s about nine. According to the Secretary of Finance, araw-araw ngayon hanggang matapos itong Covid, araw-araw we are losing two billion (pesos) na pera para sana ‘yon sa mga tao ‘yung the workers, the Filipino workers, would have earned that money kung ang ekonomiya natin gumagalaw. Eh kaya nga hindi eh,” paliwanag pa ni Duterte.

Sinabi nito na sa dami ng mga health protocols na dapat sundin ng bawat Pilipino upang makaiwas sa Covid ay lubhang naka-apekto ito sa lahat.

“Iyong may social distancing. We cannot also argue with the science people. If they really mean good so what can we do about it? So ‘yung mga transportation, sabi kung hindi ‘yang social distancing nakaka-discourage. So ang transportation business wala. And you know the world and the economy is run by oil, gas. Kung hindi natin patakbuhin ‘yang mga cargo trucks, mga ano diyan, wala na.”

“So we are sinking deeper and deeper pero hindi lang rin tayo. Kung hindi tayo, lahat. Pero we are trying our very best to keep us afloat. Ang ekonomiya natin, mga kababayan ko, is masama talaga. Biro mo naman, ilan taong walang trabaho? The economy of the Philippines is really — is in bad shape. But as I have said, it is not only the Philippines who suffers. We, in the world, is suffering with everybody,” ani Duterte.

Muling iginiit ni Duterte na ang Covid vaccines ang siyang lunas sa problema ng bansa sanhi ng pandemic mula pa noong nakaraang taon. Sinisi pa nito ang mga bansang nakabili na ng mga vaccines, samantalang hanggang ngayon ay wala pang nakukuha ang pamahalaang para sa lahat. 

“The problem is ‘yung bakuna. For all of the brouhaha, “O mayroon kami dito nakita, mayroon kami…” Saan? Eh ‘yung AstraZeneca hinostage (hostage) ng European Union. Kasi sa Europe kasi isa ‘yung isa — parang isa na lang sila. Ang pera nila ng Euro dollars ang pera ng France pero lahat tanggap na ‘yan. Wala na silang distinction kaya ganoon ang ginagawa nila.”

“Ewan ko kung ano but sana itong — one day, maybe, one day — not, not in other fields of ano — magkakaroon rin tayo ng panahon to shine. I might — hindi na ako ‘yan. But kung dalhin lang nang mabuti, hindi naman gaganti, but our time will shine someday,” sambit pa ni Duterte. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:

Post a Comment