FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, February 28, 2021

Sara Duterte, hindi tatakbo sa 2022

DAVAO CITY – Sa kabila ng paulit-ulit na pagsasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national and local elections ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, kaliwa’t-kanan naman ang paglitaw ng mga tarpaulin nito sa ibat-ibang bahagi ng bansa na humihimok sa kanyang tumakbo sa halalan.

Nakasulat sa mga dambuhalang tarpaulin ang “Run Sara Run” at mismong mga gobernador at alkalde, at maging si Mocha Uson, na Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration, ay lantaran ang pangangampanya para kay Sara Duterte.

Sa Zamboanga del Sur, mismong si Rep. Divina Grace Yu ang humihimok sa mga mamamayan na suportahan ang kandidatura ni Sara Duterte. “I love Yu Sara. Atong hangyuon si Mayor Sara nga modagan sa 2022 election for President, take a picture of our billboards and post on your FB account. Posters located at Labangan junction, Pagadian (Lumbia and Balintawak) and soon sa uban municipalities of Zamboanga del Sur,” ani Yu sa kanyang pinned post sa Facebook na may larawan ng malaking tarpaulin ni Sara Duterte na may nakasulat na “Run, Sara, Run.”

Maging si Pagadian City Mayor Sammy Co ay suportado rin ang pagtakbo ni Sara Duterte. Nagsagawa pa ito ng motorcade kamakailan, ayon sa ulat ng OneTV Philippines. Makikita rin sa Facebook post ng naturang media outfit ang mga larawan ng motorcade. “TAN-AWA: Grupo ni Pagadian City Mayor Sammy Co, First Lady Ilang-ilang Co, Congressman Jun Babasa ug sa mga Revelo nga Arangkada Pusong Asenso ug Team Mabuhi, mihimo ug usa ka motorkada libot sa probinsya ug dakbayan aron ipanawagan ug aghaton si Presidential Daughter ug Davao City Mayor Inday Sara Duterte nga padaganon sa pagka Presidente sa nasud karong umaabot nga 2022 Election.”

At gayun rin si North Cotabato Gov. Nancy Catamco na nagpakita rin ng larawan ng tarpaulin ni Sara Duterte na may nakasulat na “Run Sara Run for President in 2022” sa kanyang social media page.  

Sinabi ng Pangulong Duterte na hindi tatakbo ang anak nito dahil sa kababuyan umano ng pulitika sa bansa. At maging si dating Senator Antonio Trillanes, na kilalang kritiko ni Duterte, ay binanatan rin nito. “Inday Sara is not running. I have really, really put my foot down. Naaawa ako sa anak ko. Ang pulitika dito sa Pili — kababuyan. Lalo na si Trillanes pati ‘yong anak kong 16-years old ginawa pa ‘tong drug lord. Ito si… Be careful of Trillanes. Be careful of Trillanes. Magbantay kayo. They will sell — he will sell you to the devil pag ‘yan ang nakaupo, patay. Ako, sabi ko sa mga Pilipino, ‘pag ‘yan ang naging opisyal ninyo, eh ‘di kayo. Walang ginawa, walang hiya iyan sa totoo lang,” ani Duterte.

Sa panig naman ni Sara Duterte ay ito ang kanyang pahayag: “I understand where they are coming from, I too am anxious where we are going as a nation. I am always grateful that I have their trust and confidence. I am pleading to them to please allow me to run for President on 2034, if at that time there is something I can do to help the country.”

Ngunit hindi naman naniniwala ang publiko sa pahayag ni Duterte at anak nito. Ito rin ang sinabi ni Duterte noong 2016 sa kasagsagan ng mga nananawagan sa kanyang tumakbo sa pagka-pangulo. At tumakbo nga ito sa huling sandali. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments:

Post a Comment