FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, March 4, 2021

Duterte, napikon muli kay Robredo

DAVAO CITY – Muling napikon ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga komento ni Vice President Leni Robredo at sa kanyang virtual presser ay halos pagmumura ang maririnig sa bunganga nito.

Ito ay matapos na sabihin ni Robredo na dapat maunang magpa-bakuna si Duterte ng dumating ang Sinovac vaccine na donasyon ng China bilang Halimbawa sa publiko na nagdududa sa kalidad ng gamot kontra Covid-19.

Sinabi ni Duterte na ang priority ng vaccination ay ang mga medical frontliners, sundalo at pulis, at kanilang mga pamilya

“Kasi ang haka-haka ng mga tao, lalo na itong si Mareng Leni, sabi niya na mauna ako. You know, in the protocol, ako, ang edad namin na the preferential right is given to 16 o 18 (years old) above, tapos 59. Ako ho Mareng Leni, 70 na.”

“Eh masyado kang apurado. Sa protocol nga, we are not even considered as those needing or occupy a priority in the application of Covid. Mahirap kasi ‘yang ano mo, you are baiting me. Alam mo kung bakit? Nagdududa ka kasi na nagpabakuna na ako kasama ng mga sundalo. Kaya panay ang tikoy, tikoy, tikoy ‘yang…Ginaganoon mo, sige magsalita ka,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na may ka-demonyohan ang utak ni Robredo kahit pa maamo ang mukha nito.

“Iyon ang talaga ang ano mo. You have a very — you seem to have an angel face, but a devilish mind. Marunong kang mag-ano. Iyang pagduda mo kasi tapos na ako kaya you want me to go into a trap of saying things which are not appropriate. Iyan ang mahirap sa iyo and every day you have a narrative. Noong una, sabi mo na kulang dito, ganoon then kailangan…Was it yesterday you said, “Our frontline workers deserves the best.” Wala akong problema ‘yan. Mas magsakit ang ulo ko kung wala siya. Kayo, ikaw, sige ka lang salita diyan, wala ka namang ginagawa, sige ka issue-issue ng statement. Do you know what? Because you want to be relevant here. Gusto mong sumali sa laro na para mapakinggan ka rin,” ratsada pa ng Pangulo.

Ipinaliwanag pa ni Duterte na walang available na bakuna sa kasalukuyan maliban sa China dahil halos lahat ng produksyon nito ay binibili ng mga mayayamang bansa.

“Ganito na lang, sabihin ko sa iyo ulit kung marunong kang makinig: walang bakuna ngayon available, either hingiin mo, nakawin mo o bayaran mo. Not only the Philippines, as stated by earlier — binigyan tayo ng worldwide situation ng vaccine. Hirap rin sila. Ang Amerika mayroon pero inuuna nila. Ito alam mo unahan ito. Ako muna bago kayo kasi amin ito. As correctly stated by Secretary Galvez, it is only China who has come up with its commitment to so many nations,” sabi pa nito.

“I don’t know how many but I’m sure China will honor on time kasi wala man silang — alam nila mas gastos tayo kung tayo ang magkuha. We have to send our cargo planes and marami ‘yon, hindi magkasya ng isa, we have to send about two. China mina — minabuti niya na dalhin na lang dito sa Pilipinas using their own air assets. Kaya ganoon. Ngayon, kung gusto mo talaga para mahinto ka, kunin mo ‘yong basket mo, mamalengke ka doon sa labas ng bakuna. Bigyan kita pera para kung may mabili ka, bilhin mo na kaagad at umuwi ka dito sa Pilipinas, ibigay mo doon sa mga doctor,” dagdag pa ni Duterte.

Tila sinumpa rin ni Duterte si Robredo at sinabing sana ay mamatay na ito. 

“Iyan ang mahirap sa iyo eh, you want to be relevant. And you — you know, sometimes you make an idiotic stance. Iyong mga ganoong “they deserve the best.” Anak ka ng… Bakit ako? I would give them the worst? Mamatay ka na. Hindi — hindi ko iwanan ‘yong mga frontliners and you do not need to really be redundant about it. Ako ‘yong ano, napika ako sa iyo pero because ilang beses na tayong nag-engkwentro sa sagutan. Alam ko you’re — you’re… May nagsabi, a devil has said something, udyukin mo, magsabi, tanungin mo,” sabi pa ng Pangulo.

At hindi pa doon nagtapos ang pangiinsulto ni Duterte kay Robredo at tila binastos pa. “Ngayon ipakita ko. Ngayon gusto ko ‘pag mag-injection ako nandiyan ka, dito sa MalacaƱan kay sabihin ko matanda naman ako, kalahati lang ang akin. Ipastada mo ‘yong pu — doon iturok sa iyo to add protection to your good health,” ani Duterte. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment