FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Tuesday, March 16, 2021

Sky Cable Zamboanga, inireklamo!

INIREKLAMO NG isang subscriber ng Sky Cable (Television) sa Zamboanga City ang naturang kumpanya na umano’y pinutol ang kanilang linya ng wala umanong notice.

Matagal na umano o maraming taon na itong ginagawa ng Sky Cable kung kaya’t inireklamo na sa pahayagang Zamboanga Post ang kumpanya upang mabatid ng publiko at madala ito sa atensyon ng National Telecommunication Commission (NTC).

Nais rin idulog ng subscriber sa NTC - na siyang may supervision sa mga regulasyon ng cable television industry – ang maling ginagawa ng Sky Cable Zamboanga.

At ayon sa NTC, maaaring i-reklamo sa kanila ang mga sumusunod: Poor Service (Technical and Customer Service), Billing Problem, Fair Use Policy, at Denial of Subscription Plan Application.

Sa kanyang sumbong, sinabi ng customer na agad itong nagtungo sa opisina ng Sky Cable upang i-reklamo ang pagputol ng linya ng walang abiso o notice.

“Aba, may mga trabahao kaming lahat at ni walang notice of disconnection man lang na ibinigay ang Sky Cable upang mabayaran ang anumang arrears. Ni hindi nga tumatawag sa amin okaya mag text man lamang tulad ng ginagawa ng mga telecom firms. Paglabag ito sa Consumer Protection Guidelines ng NTC. Idudulog namin ito sa NTC upang mapatawan ng kaukulang penalty ang Sky Cable Zamboanga,” ani ng customer.

Nabatid pa na bukod sa walang notice of disconnection na ibinibigay sa mga customer ang Sky Cable ay wala rin natatanggap na billing ang mga subscribers. “Isa pa yan, walang notice of disconnection at wala rin billing statement na ibinibigay ang Sky Cable Zamboanga. Ang daming paglabag ng Sky Cable sa patakaran ng NTC,” sambit pa ng customer.

Nakakatanggap lamang ng abiso ang mga customers ng Sky Cable kung magtataas lang ito ng kanilang subscription rates. Nasa P500 ang ibinabayad ng mga customers sa Sky Cable bawa’t buwan, bukod pa ang P100 sa bawat extra television sa bahay.

Sinabi pa ng customer na matapos itong magbayad ay hindi agad naibalik ang serbisyo ng Sky Cable Zamboanga at sinabi sa kanya na hintayin na lamang at ang Sky Cable Davao Office diumano ang magre-reconnect nito. Ngunit tadtad rin ng reklamo ang Sky Cable Davao Office mula sa kanilang mga subscribers.

Hindi agad mabatid kung ilang mga customers ng Sky Cable Zamboanga ang may parehong reklamo sa kumpanya. Bukod sa Sky Cable Zamboanga, tanging ang Mindanao Cable Television lamang ang kumpitensya nito sa naturang lungsod. (Zamboanga Post)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments:

Post a Comment