DAHIL SA kakulangan ng mga Covid-19 vaccines sa bansa, ipinag-utos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan muna ng libreng face mask ang mga mamamayan, lalo na ang mga mahihirap na pamilya, bilang panlaban sa nasabing virus.
“Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna, it's the mask. Eh i-ilang gamit lang 'yan. But iyong iba lumang-luma, eh isang buwan na ginagamit because you know they do not have money to buy.”
“We have to provide the mask for everybody. Eh kung iyang tao walang pera pambili ng mask, how do you expect compliance from him? So it’s good. I think DILG again and the barangay captains makatulong po kayo. Same, you have the same data sa mga tao kung sino 'yong nabakunahan, sinong hindi. So para 'yong iba you know, when they buy a mask, it can be worn for so many days only. And na-ano na, the property of the mask is lupay-lupay na,” ani Duterte.
Hindi naman sinabi ni Duterte kung muli itong uutang sa mga foreign creditors upang may ipambili ng face mask. Sa kasalukuyan ay nasa piso ang bawat ordinary o disposable face mask.
“So kung kailangan na we ask the people to comply, we also look into the possibility that they cannot buy it. So government, sa panahong ito, must provide. Kailangan talaga nila so huwag natin...you know when they get sick, ika nga, you cannot flog a dead horse. Kaya at least every two days puro pawis na 'yan at I said the properties of that mask might not be really as strong as what it is intended for,” paliwanag pa ni Duterte.
Problema pa rin ni Duterte ang mga Covid-19 vaccines at kahit mahigit na sa $13 bilyon ang inutang nito sa ibat-ibang foreign at local creditors para sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemia. At pulos donasyon lamang na Covid vaccines ang dumating mula sa China at World Health Organization.
“Mga kababayan ko, hanggang ngayon wala pa tayong sobra. Ibig sabihin walang dumating except those donated. Iyong ginawang donasyon lang ng China pati sa WHO. Walang bayad ‘yon,” sabi pa ng Pangulo. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates






No comments:
Post a Comment