FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, April 16, 2021

Duterte lumitaw na, Senador De Lima tadtad ng mura!

NAPUNO NG pagmumura ang muling paglitaw ni Pangulong Duterte sa kanyang virtual presser matapos itong mawala ng halos dalawang linggo sa kanyang weekly meeting sa mga Cabinet members.

Ang mga larawan ni Pangulong Duterte na inilabas ni Senador Bong Go sa kanyang Facebook page at may caption na: "Nandito lang si Tatay Digong! Ang taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa ating mga kapwa Pilipino! Di Plastic. Practice lang yan. Konting papawis lang dahil halos bawal lumabas. Ang mag-react, Plastic!"


Pinagmumura ni Duterte si Senadora Leila de Lima dahil sa mga batikos nito laban sa Pangulo. Kilalang pikon si Duterte lalo na kung ang bumabatikos sa kanya ang ang opisyon na kung saan kabilang si De Lima na ngayon ay nakapiit sa bilangguan dahil sa umano’y kaso sa droga.

Ito naman ang post ni Senador Leila De Lima sa kanyang Facebook page.

Ito ang sinabi ni De Lima ukol kay Duterte: “After more than a year, we are still in the middle of a crisis worsened by an incompetent President. Malinaw ang naging resulta ng kapalpakan ng pamumuno ni Duterte. Habang nasa kung saang lupalop siya at nagpapa-photoshoot habang nagmemeryenda, nagja-jogging, naggo-golf at kung anu-ano pang pampalipas oras, araw-araw, daan-daan ang binabawian ng buhay at nauulila - ina, ama, kapatid, kaibigan, kamag-anak, katrabaho, mga mahal sa buhay. Ako mismo ay may kaibigan, katrabaho, at kapamilya ng staff na pumanaw dahil sa pandemya na pinalubha ng kapalpakan ng gobyernong ito.”

“If Duterte and his sycophants will continue to sleep on their job and their non-sense photo-ops just to prove that Duterte can still breathe or jog after two weeks of absence, we cannot and we will never recover. This has to end,” dagdag pa ni De Lima.

Binuweltahan naman agad ni Duterte si De Lima at tinawag nitong “bastos” at “bitch” ang dating Justice Secretary na kumalkal sa human rights abuses ng Presidente noong ito ay mayor pa ng Davao City. 

Ani Duterte: “Pag binabastos ninyo ako, eh ‘di babastusin ko rin kayo. Kagaya kay De Lima, eh tama ‘yan sa iyo. Magtiis ka. Putang ina mo. Binastos mo ang Pilipinas ng droga diyan mismo sa national penitentiary. Ngayon sige ka yawyaw diyan kung ano-anong pinagsasabi mo na hindi ko kaya. Bakit ikaw ba ang nag-elect sa akin? Did you elect me as President? I got my votes substantial one to make me a credible president, six million yan.”

“Ikaw, nahuli ka because in your mad desire to be president, you were asking money from everybody. Iyan ang nakahirap sa iyo. Hindi lang naano you know there’s a saying that you can have your dreams but it’s always God who disposes everything. Nakalimutan mo siguro ang Diyos diyan basta sa kakadamgo. Ano bang tawag ng damgo na --- ? Kakaano mo. Tinitingnan mo lang kung walang…Tatagal kaya ako --- ito prangkahan tayo --- tatagal kaya ako dito sa putang inang puwesto na ito kung inutil ako? Will the military allow me to govern na ganoon pamamalakad mo, wala kang ginawa?”

Matatandaang naglabas ni Senador Bong Go ng mga larawan ni Duterte na naglalaro ng golf at nagmo-motorsiklo pa sa loob ng Malakanyang noong hindi ito nagpakita sa kanyang weekly meeting. 

Sinabi pa ni Duterte na habang nakakulong si De Lima ay nagsasaya naman ito. “Medyo hindi maganda ‘yan kaya when you pretend to glee, ‘yang maano siya maligaya. Sige lang sabi ko tutal nagtitiis ka eh. Kami dito we are enjoying the times of our lives, you know singing sometimes laughing. Ikaw, nasa presuhan, magtiis ka. Putang ina mo,” sambit pa ni Duterte.

“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yon, ganoon ako eh. Pagka-kinakalkal mo ako lalo akong -- ‘yong parang bata. Pagka lalo mo akong kinakantyawan eh mas lalo akong gagana. You know, the people must know that I am a resident of Davao City. I never pretended to be a resident of Sampaloc or Sta. Ana. Sinabi ko ang my residence is the City of Davao. And if I want to go home there on reasonable basis, I can because that is my home. Then, if I want to be unreasonable about it, talagang ang tawag sa Bisaya “gara-gara”, pangkantyaw, ginagawa ko rin ’yan. Tutal naman ‘yong pamasahe ko hindi naman sa gobyerno so I go home just to be there and come back the following day,” ani Duterte.

Ngunit hindi lamang si De Lima ang bumatikos kay Duterte, maging ang peryodistang si Ramon Tulfo na dating special envoy sa China ng Pangulo ay nagtanong rin kung nasaan ang Presidente. Binasa pa ni Duterte ang Instagram post diumano ni Tulfo at ito ang kanyang sinabi: “May basahin lang ako kay --- sa ano ito Instagram? Is this is what you would call Instagram? Hindi ako marunong nito… - (Ang tanong ni Tulfo:) “Kaya niyang mag-jogging, kaya niyang mag-golf kahit gabi na, kaya niyang mag-motorsiklo sa loob ng MalacaƱan.” -  Bakit…I’m reading this because Mon (Tulfo) is my friend. Kinakantyawan ko lang rin. (Tanong muli ni Tulfo:) “Bakit hindi kaya ang ating Presidente na humanap nang tambayan ng national television para maalis na ang agam-agam sa mamamayan sa kanyang kalusugan?”

Dagdag pa ni Duterte: “Well, Mon, you’ve been my friend for a long time. You know that

magkasabay lang tayo, nag-abot pa tayo sa Ateneo de Davao noon. Maghabulan lang tayo ng edad. Now kung sabihin mo may sakit ako, may sakit ako. Pero kung sabihin mo may sakit ako ngayon that would prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho. Kaya ako nakaka-swing ng golf, tapos nagmomotor eh kasi kaya ko pa. Now, the problem is, you should look into the time I enjoy my hobbies. Mon, gabi ‘yon alas dos ng madaling araw. Ano ba naman? Hindi, sa araw makita mo ako naggo-golf sabihin mo… Lalo na ito si De Lima, sinasabi nang naggo-golf kasi may problema. Eh kung mag-golf naman ako ng gabi, hating-gabi, eh umaalma na naman bakit ako nag-golf? Anak ng puta. Saan pa ---? Kailan pa ba ako?”

Sinabi pa ni Duterte na dapat magdasal ng husto si De Lima kung gusto nitong mamatay ang Pangulo. “If you want me to die early, you must pray harder. Actually what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you are praying for that,” wika pa nito. 

Binalikan rin ni Duterte si Tulfo sa kanyang mga pagtatanong at ito naman ang banat ng Pangulo: “Alam ko kinakantyawan ako ni Mon Tulfo nito. Sabihin mo na itong isa, - “Nasaan ang Presidente? You know baka patay na”.” Eh, sabihin ko sana na, Eh nandito lang ako sa MalacaƱan natutulog ako mag-isa. Ikaw, sino ang kasama mo sa kama? Ikaw ba ang may-ari niyan?” (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital

Media Rates: Advertising Rates 



No comments:

Post a Comment