FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, May 14, 2021

Covid-19 vaccines, nasayang!

NORTH COTABATO – Nasa 348 vials ng Sinovac Covid-19 vaccine  na gawa ng China ang nasayang at hindi na magagamit matapos na diumano’y makaligtaang paandarin ang freezer kung saan nakalagay ang naturang mga bakuna sa oamahalaang lokal ng bayan ng Makilala sa North Cotabato.

Kinumpirma mismo ni Dr. Eva Rabaya ng Integrated Provincial Health Office sa panayam ng Radyo BIDA na hindi na maaaring gamitin ang mga bakuna matapos na mahigit sa dalawang araw itong nasa freezer matapos na magkaaberya ang supply ng kuryente.

Ang mga bakuna ay nakalaan sana sa mga senior citizens ng Makilala.

Ayon sa ulat, inilipat umano sa freezer ng Makilala Police Office ang mga vaccine matapos mawalan ng supply ng kuryente ang service area ng COTELCO nitong Biyernes ng umaga. Generator ang ginamit sa freezer at nakaligtaan umano itong ibalik sa linya ng COTELCO nang magkaroon ng kuryente.

Sa panayam kay Lito Canedo, ang spokesperson ng local Covid-19 task force sa Makilala, sinabi nito na Biyernes inilipat sa freezer ng Makilala Police Office ang mga vaccine, ngunit nito lang Lunes nadiskubre ng in-charge mula Municiapl Health Office na hindi pala naka-on ang naturang freezer.

Iniimbestigahan na ngayon ang pamunuan ni Makilala Municipal Health Officer Dr. Georgina Sorilla at mga tauhan nito kasama ang pamahalaang lokal para alamin kung sino ang may kapabayaan sa nasabing insidente.

Hindi ito ang unang beses na may kapabayaan sa pag monitor sa mga vaccines ang Municipal Health Office ng Makilala, noong Pebrero 15, iba’t-ibang mga vaccines din ang nasira matapos na hindi rin nakasaksak ang freezer sa outlet ng kuryente na pinaglagyan ng mga bakuna laban sa measles, pneumonia, insulin at iba pa. Hindi naman agad mabatid kung sino ang may kapabayaan sa insidente. (Rhoderick BeƱez)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:

Post a Comment