HINDI PINAHIHINTULUTAN ng pamahalaang lokal ng Zamboanga ang paggamit sa mga barangay certification bilang “Quarantine Pass” upang makalabas ng bahay habang nasa ilalim ng mahigpit na quarantine status ang buong lungsod.
Ito ang paglilinaw ng Zamboanga Inter-Agency Task Force (IATF) matapos na malamang ginagamit ito ng mga residente bilang Quarantine Pass.
Sinabi ng IATF na ang pagbibigay ng barangay certification ay isang requirement lamang upang makakuha ng electronic version ng Quarantine Pass o E-Quarantine Pass ang mga residenteng wala nito.
Ang Quarantine Pass “A” at “B” ay ipinamahagi ng pamahalaang lokal sa mga residente ng magsimula ang pandemya noong nakaraang taon habang nasa General Community Quarantine sa Zamboanga. Ito ang nagtatakda ng araw kung kalian puwedeng lumabas ng bahay ang isang Quarantine Pass holder at substitute nito upang makabili ng kanilang pangangailangan.
Muli itong ginamit ng ideklara ni Pangulong Duterte noong Mayo 8 na isailalim ang Zamboanga sa Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa tumataas na bilang ng Covid-19 cases dito.
Sa kabila ng napakaraming mga Quarantine Pass na ipinamahagi noon ay libo-libong mga residente na naman ang nangangailan nito. Kung kaya’t sa halip na kunin ito sa mga barangay offices ay minabuti na lamang ng IATF na maglabas ng E-Quarantine Pass upang maprotektahan ang publiko laban sa Covid-19.
Online na lamang ang rehistrasyon sa pagkuha ng E-Quarantine Pass at ang barangay certification ang requirement ng isang residente upang mabigyan nito.
“Barangay-issued certification for non-essential activities are not recognized by the local IATF. Barangays may only issue certification for the purpose of residents’ application for E-Quarantine Pass which is submitted online, as well as for business reasons. Zamboanga City’s Covid-19 situation remain fluid and volatile, thus, movement and gathering restrictions should be sustained and reinforced.”
“Some residents are observed to be exploiting the use of barangay certificates defeating the purpose of community quarantine. Police and military authorities manning quarantine checkpoints are directed to confiscate all unauthorized barangay-issued certification and disallow non-essential movements or activities,” ayon pa sa pahayag ng pamahalaang lokal.
Maraming
mga residente na rin ang hinuli sa mga checkpoints dahil sa paggamit ng mga
pekeng Quarantine Pass. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment