FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, June 3, 2021

Kaso ng EJKs, hindi pwedeng ilabas sa publiko: Duterte

PINAGIINGAT NI Pangulong Duterte ang Philippine National Police (PNP) at ang Department of Justice (DOJ) sa paglalabas ng mga dokumento ukol sa lahat ng kasong may kinalaman sa kanyang kampanya kontra droga.

Presidente Rodrigo Duterte

Maging ang Commission on Human Rights ay sinabihan rin ng Pangulo ukol sa ginagawa nitong imbestigasyon.

Naunang sinabi ng PNP at DOJ na iimbestigahan nito ang mga umano’y extrajudicial killings ng mga hinihinalang drug users at pushers sa ibat-ibang panig ng bansa.

At ayon sa mga human rights groups, nagsimula diumano ang patayan ng ilunsad ng pulisya ang “Oplan Tokhang” at tinatayang libo-libo ang nasawi dahil sa mga kadahilanang nanlaban ang mga suspek, o pinaslang ng mga di-kilalang armado sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Duterte na talagang nanlalaban ang mga napapatay ng pulisya. “I am just making a statement about the deaths na hanggang ngayon. Despite of our, well, advice to you know to, if it’s possible to hindi na lang makipagbarilan, eh talagang lumalaban itong mga durugista. Now this is really a lesson for the human rights, every day until now nandiyan ‘yan.”

“I suggest that you go to the police and look into the records of these deaths. Now gusto ninyong kunin, may - hindi namin maibigay lahat not because we are hiding some facts that known to us, unknown to you. Eh kasali na dito ‘yong, national security issue ‘to eh kagaya rin ng mga NPA,” ani Duterte.

Maraming mga high profile cases o personalidad, kabilang ang mga kilalang pulitiko, ang napaslang sa kampanya kontra droga at ang iba pa ay sa loob mismo ng bilanguan o kaya ay sa himpilan ng pulisya napatay sa alegasyong nang-agaw ng armas.

“We have records that those who have died, but who have derogatory records in our files and may mga references sila na tao and what they do, we cannot divulge it to anybody, but only to the military and to the police. I do not even know kung sino ‘yang mga ‘yan. I do not ask for it and I do not bother to really go out of my way knowing because kasali ako sa mga tao na hindi alam,” paliwanag pa ni Duterte.

“What I get is the result of the operations. But as to the basis and to the people involved and suspects and ‘yong mga references nila at ‘yong mga sources ng information, this cannot be revealed. I said, ako mismo, I don’t know if (DILG) Secretary (Eduardo) Año knows about it, but hindi ako,” giit pa ng Pangulo.

Sinabi ni Duterte na “result-oriented” umano ito sa operasyon ng mga awtoridad.

“Hindi ko sabihin na kasalanan nila o may kasalanan sila. As a matter of fact, ang sinabi ko itong mga pulis o military who perform their duties and had to kill their adversaries, lalo na sa droga, pati itong mga NPA, hindi ho namin puwede ibigay lahat. You can go into the, maybe query as to how the battle was fought, how the gunfight started. But pero kung sabihin mo what prompted the police and the military to go into this kind of operation based on their reports and collated mga dossier, hindi ho ninyo puwedeng pakialaman ‘yan. Truth, as a matter of fact, sabihin ko totoo ‘yan. Maski tanungin ninyo, ni hindi ako minsan nagtanong kung ano-ano ‘yan. It’s because I know that it’s just confidential,” ani Duterte.

Itinanggi rin ni Duterte na sadyang pinapatay ang mga suspek at ipinagpipilitan nito na talagang nanlaban ang mga ito kung kaya’t napapaslang.

“And sabihin mo na sinadya na patay(in), hindi ‘yan. Lumaban talaga ‘yan. Kay kung patayin mo lang lahat ng durugista, ah puno ‘yang punerarya. Hindi ‘yan maubusan ng kliyente. Mayroon dito minsan namatay isa, dalawa, itong mga durugista. Hindi --- we are not after for the ito --- itong ano, itong shabu ito ‘yong mga --- ito ‘yong mga talagang kingpin, itong mga drug lord.”

“From the drug lords, mayroon ‘yan silang tinyente na magdi-distribute. Saan i-distribute? Doon sa mga peddlers, basurero. Wala kaming makuha diyan. Kay kung hulihin mo lahat o patayin mo ‘yan, walang kwenta. Ngayon, sabihin mo patayin, ‘yong iba, pinapatay talaga ng mga drug lords kasi ‘pag minsan maghuli, para maputol ‘yong kuwento hindi umabot sa kanila, sila na mismo ang papatay sa tao nila. Lalo na kung may parang may naamoy na ang gobyerno tapos tinitingnan nila ‘pag mahuli itong tao na ito pa-piyait ito, sila na ‘yang mga drug lords ang pumatay tapos tayo, kami ang pagbintangan. Iyan ang totoo diyan. So be careful in your, especially the Human Rights --- be careful in your evaluation and assessment because hindi lang ang gobyerno marunong pumatay,” sabi pa ni Duterte.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng International Criminal Court ang mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa at kung ano ang kinalaman ni Duterte sa mga ito. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment