'Yawa, Gago, Putang Ina, Bwiset kayo! - Duterte'
IPAKUKULONG UMANO ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga taong ayaw magpa-bakuna at sinabing tuturukan pa nito ng Ivermectin na gamot kontra-bulate ang mga mahuhuli.
Tinawag pang “yawa” at minura ni Duterte ang mga ayaw magpa-bakuna at sinabing uutusan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mandohan ang mga barangay officials na kunin ang mga pangalan ng mga residenteng tumatanggi sa Covid-19 vaccine.
“Kayong mga barangay captains, I will task the DILG to do
that, to look for these persons and kung hindi, I will order their arrest, sa
totoo lang. Why? Because if you are a person na hindi ka vaccinated, you are a
carrier, a potential carrier (of Covid-19)
and to protect the people, I have to sequester you in jail. Mamili kayo: magpabakuna kayo o ipakulong ko
kayo sa selda? Sabi ko sa iyo ‘yong selda diyan sa mga pulis, walang linis
‘yan, eh tamad ‘yang pulis maglinis. Nandoon ang lahat, lahat na ng baho
nandoon. Doon kayo. Ganito na lang, I will think it over very hard, legally, of
course. Pero ‘pag hindi, ayaw ninyo, ipaaresto ko kayo. That is in pursuance of
a policy of our crisis of itong health issue,” ani Duterte.
“Iyang mga yawa na 'yan na ayaw magpabakuna. Itong mga gago na
ayaw magpa-bakuna, and they are really the carriers. If you are, they can, you
know, travel from one place to another, carrying the virus and then
contaminating other people. Ito ‘yong ayaw magpabakuna. Kayong ayaw
magpabakuna, ipabakuna ko ‘yong itong sa bakuna ng baboy, ‘yong Ivermectin.
Iyon ang ibakuna ko sa kanila. Ang tigas ng ulo eh. Kaya don’t get me wrong.
There is a crisis being faced in this country. There is a national emergency.
Kung ayaw mong magpabakuna, ipaaresto kita,” dagdag pa nito.
Sinabi pa nito na ituturok niya ang Ivermectin sa puwet ng
mga ayaw magpa-bakuna.
“Itusok ko sa puwet mo. Putang ina, bwiset kayo. Eh, hirap
na nga tayo tapos nandiyan pa kayo napakaraming dag… So kung lahat ng
Pilipinong nakikinig ngayon, bantay kayo. Don’t force my hand into it, kagaya
nitong ano. Strong-arm method ‘yan eh. Walang may gusto niyan. Pero kung hindi
kayo magpabakuna, umalis kayo sa Pilipinas. Go to India if you want or
somewhere, to America. But for as long as you are here and you are a human
being, and can carry the virus, eh magpabakuna ka,” wika pa nito.
Matatandaang sinabi noon ni Duterte sa mga namimili ng brand
ng Covid-19 vaccines na kung ayaw nila ng Sinovac ng China ay huwag na silang
magpa-bakuna. Karamihan sa mga Pilipino ay ayaw sa Chinese vaccines dahil umano
sa mababang efficacy rate nito at iba pang kadahilanan. Sa Wuhan, China nagmula
ang Covid-19 virus noong Disyembre 2019 at kumalat ito sa buong mundo.
(Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment