FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, June 11, 2021

Magpa-bakuna na kayo!

‘Duterte, nanawagan ulit sa publiko; mga Pinoy matigas ang ulo’

DAVAO CITY – Muling nakiusap ang Pangulong Duterte sa mga mamamayan na magpa-bakuna sa lalong madaling panahon at yun mga nakatanggap ng unang dose ng Covid-19 vaccines at dapat maturukan ng pangalawa at huling bakuna.

Tinawag naman ni Duterte na “matigas ang ulo” ng maraming mamamayan kung kaya’t patuloy na lumulobo ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

Mahirapan talaga akong magkumbinse sa Pilipino, lalo na ‘yong matigas ang ulo. Kindly follow instruction. Hindi naman mahirap ‘yan eh. You find time at your convenience na bumalik doon pumila at magpabakuna ng tinatawag nilang second booster.”

“Iyon ang magbigay sa inyo ng more or less a good protection. But it does not guarantee that you will not be contaminated unless you observe the protocols of the washing of the hands again and mask and social distancing kasi hindi pa nawala talaga itong Covid-19. I want the authorities and the LGUs to find out why this is happening,” ani Duterte.

Ngunit maging ang lugar ng Pangulo sa Davao City ay patuloy rin sa pagtaas ng bilang mga bagong Covid-19 cases, ayon sa Octa Research.

Bukod sa Davao City, ang Quezon City pa rin ang tila epicenter ng Covid-19 sa Metro Manila. Alarmado rin ang Octa Research sa mataas na kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, and Cotabato cities sa Mindanao, gayun rin sa Bacolod, Iloilo City, Dumaguete sa Visayas, at Tuguegarao sa Luzon.

Sinabi ni Duterte na may sapat na umanong supply ng bakuna ang bansa kung kaya’t dapat na itong samantalahin ng mga Pilipino upang mabigyan ng proteksyon ang sarili laban sa Covid-19.

Nandiyan ‘yong medisina. Pinakahintay natin halos isang taon. Kaya lang naman nagkukulang-kulang talaga ‘yong supply so it took us time to receive our share. But now eh medyo maluwang na ang mundo, nabakunahan na sa Amerika halos lahat, they can afford now to share the residual supply nila sa vaccine,” wika ng Pangulo.

“Itong Covid is a very toxic thing and it can contaminate you again. There is no guarantee, though it would give you a measure of protection, it does not guarantee that you will not get Covid again. So despite or in spite of your vaccines and boosters, please observe the basic protocol: (gumamit ng face) mask, hugas ng kamay at social distancing. Matatapos rin ito, especially with your cooperation, matatapos ito mas madali,” paliwanag pa ni Duterte. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment