KIDAPAWAN CITY - Pumanaw sa edad na 62-anyos ang alkalde ng lungsod ng Tacurong dahil sa Covid-19 habang nasa pagamutan ito sa General Santos City.
Kinumpirma ito ni Tacurong City spokesman Allan Freno at sinabing nasawi sa sakit si Mayor Angelo Montilla.
Sa Facebook page ng Tacurong City government, ito ang ang nakasulat: “It is with profound sadness and a heavy heart that we announce the unexpected and sudden passing of Mayor Angelo ‘Roncal’ Ortizo Montilla.”
“Mayor Roncal will be remembered as a tireless leader who sacrificed his life in the name of public service. He is a true son of Tacurong. His legacy will live on,” ayon pa sa pahayag.
Uupo naman bilang acting Mayor ang nakababatang kapatid nito na si Vice Mayor Lino Montilla. Bumuhos naman ang pakikiramay ng taong bayan sa social media, kabilang na ang mga kasamahan ng yumaong mayor sa trabaho at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Sa North Cotabato, nag-positibo rin sa Covid-19 si Tulunan Mayor Reuel Limbungan, ngunit nananatiling asymptomatic ito at kasalukuyang nasa isolation area.
Mabilis namang nagsagawa ng contact tracing ang mga tauhan ng Municipal Health Office lalo na sa mga nakasalamuhang kawani ng alkalde sa munisipyo.
Sa isinagawang rapid test ay nag negatibo naman ang 23 mga empleyado na parating nakasalamuha ni Limbungan habang ginagampanan nito ang kanyang trabaho. Hinikayat naman ng alkalde ang iba pang nakasalamuha nito mag self-isolate na rin sabay rin ang paalala sa publiko na laging sundin ang minimum health protocols.
Si Limbungan ang pangatlong Mayor sa
North Cotabato na naiulat na nag-positibo sa Covid-19 - ang una ay si Alamada
Mayor Jesus Sacdalan at ang pinakahuli ay si Makilala Mayor Armando Quibod,
kung saan nag-positibo rin sa sakit si Vice Mayor Ryan Tabanay. (Rhoderick
BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment