FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, August 8, 2021

ASEAN kontra Tsina?

DAPAT UMANONG himukin ng Depart of Foreign Affairs (DFA) ang ASEAN member states na magkaisa sa posisyon laban sa panghihimasok ng Tsina sa mga pinagtatalunang teritoryo sa karagatan.

President Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Ang ASEAN o ang Association of Southeast Asian Nations ay kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao, Malaysia, Myanmar, Singapore at ng Pilipinas.

Mismong si Senador Risa Hontiveros ang nanawagan sa DFA at ipinahayag ito kasabay ng ASEAN Foreign Ministers meeting na isinasagawa mula Agosto 2-6.

“ASEAN should stand as one. Pagdating sa mga kilos ng Tsina sa West Philippine Sea, ang prinsipyo ng non-interference ng ASEAN ay hindi nararapat. Kung hadlangan ng Tsina ang kalayaan sa pag-navigate sa buong South China Sea, hindi lamang ang Pilipinas ang lubhang maaapektuhan, kundi pati na rin ang buong rehiyon. Kung natalo ng Pilipinas ang diplomatikong labanan na ito laban sa China, talo din ang ASEAN,” ani Hontiveros.

Mula noong 2016, nakapaghain na ang DFA ng higit 100 diplomatic protests laban sa iba't ibang aktibidad ng China sa West Philippine Sea. Ang iba pang mga miyembro ng ASEAN ay kumikilos na rin. Ngayong taon, nagsumite ang Malaysia ng isang diplomatic protest matapos mamataan ang kahina-hinalang eroplano ng mga Tsino sa South China Sea sa labas lamang ng Borneo. Noong 2020, iniulat na pinag-aaralan din ng Vietnam na maghain ng isang international arbitration case laban sa Tsina.

“Dapat silipin ng ASEAN ang lahat ng ligal at diplomatikong pamamaraan upang labanan ang labis na pag-angkin ng China sa mga karagatan. Ang pagiging passive ay hindi makakatulong sa ating kaso, lalo na sa harap ng isang bully. China deliberately targets weaker states unable to effectively resist, thus the need for unified and concerted action. Ang ating rehiyon ay tahanan ng ilan sa pinakamagaling sa larangan ng international law at diplomasya, kaya't pagsama-samahin natin ang mga talento na ito para mailagay ang China sa kanyang lugar,” wika pa ni Hontiveros.

Bukod sa mga banta ng pambansang seguridad sa ASEAN, sinabi din ni Hontiveros na ang presensiya ng Tsina sa West Philippine Sea ay nakadadagdag sa pagkasira ng likas na yaman sa mga pinag-aagawang teritoryo. Ayon sa mga ulat, nawala sa Pilipinas ang mahigit sa P800 bilyong halaga ng marine life at resources dahil sa Tsina.

Idinagdag ni Hontiveros na ang mga mangingisdang Tsino ay nahuli rin na iligal na kumukuha ng mga taklobo sa West Philippine Sea na maaaring mangyari rin sa ibang mga bansa sa Southeast Asia. Dahil ang ASEAN ay pumirma sa Convention on International Trade in Endangered Species, at sinabi pa ni Hontiveros na maaaring ito ay isa pang common ground na maaaring pagtulungan ng ASEAN upang labanan ang Tsina.

“Southeast Asian nations should already start our accounting of the environmental damage wrought by China in our territories. Utang ito ng Tsina sa ating rehiyon. Ito ang mga danyos na kailangan nating singilin sa Tsina. Ang ASEAN ay binubuo ng masasabing mas maliit na mga bansa ngunit kapag nagsama-sama, our fighting spirit is bigger than any bully can handle,” ani Hontiveros.

Dedma

Walang aksyon ang Pangulong Duterte sa mga pang-aabuso ng Tsina at ang walang humpay na pagpasok nito sa teritoryo ng bansa at ang pananakot sa mga mangingisdang Pilipino. Ipinagtatanggol pa ni Duterte at ng Palasyo ang Tsina sa lahat ng mga akusasyon. Minsan na rin sinabi ni Duterte na: “I just simply love Xi Jinping. He understood, he understands my problem and he is willing to help.”

Ibinulgar rin ni former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ilang ranking Chinese officials ang nagyabang at sinabing nanalo si Duterte sa halalan dahil sa Tsina.

“On February 22, 2019, we received information from a most reliable international entity that high officials from China are bragging that they had been able to influence the 2016 Philippine elections so that Duterte would be president. We believe that our Beijing post can easily validate this. Moreover, subsequent actions of the President lend more credence to this information,” salasaysay pa ni Del Rosario.


“As early as May 15, 2018, our President proudly declared in Casiguran Bay in Aurora that Chinese President Xi Jinping has sworn to protect him from moves that will result in his removal from office,” dagdag pa nito.


Banta


Itinanggi naman ni Duterte ang alegasyon ni Del Rosario at minura at pinagbantaan pa ang dating opisyal. “Ikaw Albert, Alberto, ‘pag nasilip ko lang mayroon ka, I will charge you for sa... Marami akong idedemanda sa'yo. Ako na...I’m not, I have not, for the life of me, sued anybody libel or anything during my 23 years, four years as congressman tapos vice mayor hanggang Presidente. Pero ikaw ang hahabulin ko kasi ikaw ang nag-transmit sa message.”


“You are in olden times, kung at war lang tayo sana, you are guilty of treason. Kaya nga pala kasi hindi ka Pilipino. Kung saan ka napulot, bakit ang hitsura mo? Hindi ka talaga Pilipino sa totoo lang. At you know, ang mabigat sa iyo, ikaw 'yung nag-transmit and, I said, that is treason. Daldal ka nang daldal diyan. Anong China-China magtulong sa akin? Gago ka, saan mo nakuha 'yan? Sixteen --- 16 million makuha mo ng tulong sa ibang bayan? Sixteen million mabili mo? Ang aking majority is six million over. Lahat 16 million. Sixteen million plus voted. Six million of that was my majority over your friend,” ani Duterte.


Ang verbal attacks ni Duterte kay Del Rosario ay napanood ng publiko sa telebisyon. “Kaya ikaw pag... Tingnan mo 'yung mukha mo. Hindi ko nga malaman kung Pilipino ka ba o... Are you a Filipino? Nagdududa ako. I want to see you personally. Where can I meet you? Saan ka ba nagkakape-kape? Ibuhos ko 'yang kape sa mukha mo, maniwala ka. Hindi ka maniwala? Subukan mo. Try conveying to me the message where I can find you at pupuntahan kita. Hindi ako magdala ng security, ako lang. Ibuhos ko 'yang kape sa mukha mo. Nasaan ka ba ngayon kasi gusto kitang puntahan? Saan ba bahay mo? Katukin kita. Ako lang mag-isa, huwag kang matakot. Hindi ako sanay. You know, I was born alone in this world so I will leave alone,” sabi pa ng Pangulo. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment