FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, August 26, 2021

DOH Sec. Duque, nakasandal sa pader!

NAGMISTULANG ABOGADO ni Health Secretary Francisco Duque si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa matinding pagtatanggol nito sa kontrobersyal na Cabinet members matapos na kwestunin ng Commission on Audit (COA) ang P63.7 bilyon Covid-19 funds ng ahensya.

Paulit-ulit na sinabi ni Duterte na buong-buo ang tiwala niya kay Duque matapos nitong sabihin na walang anomalya o korapsyon sa DOH. Naglabas rin ng abiso ang DOH sa kanilang Facebook page at inabswelto ang sariling ahensya at sinabing “all accounted for!” ang P63-7 bilyon pondong nakalaan sa pagtugon sa Covid-19 pandemic. 

Matatandaan pinagalitan ni Duterte ang COA - kahit na ito ay isang Constitutional body – dahil sa paglalabas nito ng 2020 annual audit report ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan. Iginiit ni Duterte na walang korapsyon sa DOH at sa kanyang pamahalaan matapos nitong iutos sa COA na maglabas ito ng pahayag na wala itong nakita na anumang korapsyon sa DOH. 

“So it’s very important ngayon, especially with the ‘yung finding ng COA, which turned out to be walang corruption, walang-nawala, ngayon na lang sinasabi nila, and yet the damage had already been done. Kasi nga paglabas ng COA, basta COA report, flag, flag, flag, ang perception talaga ng tao, the popular notion is that you are flagged because there is corruption, there is shortage of funds and you cannot explain, that’s the reason why. So ngayon after nagalit ako kasi wala naman talaga, I was assured by the Department of Health na wala, eh ‘di nagalit ako kaya ang sabi ko sa kanila whenever you come up with a study, be sure. Sabi ko ano ba talaga ‘yan?” ani Duterte.

“Ngayon sabi nila, at this very late day, nag-issue sila ng statement walang corruption daw at walang nawawalang pera. Pero in the process, they had already painted black the white people there. Iyan nga ang masama diyan kasi ang sabi ko nga magtanong ka ng sampung tao on the streets, in all probability ‘yang sampu magsabi “eh ayan ‘yung COA ngayon naglabas ng ano corruption.” So nasisira si Duque, nasisira lahat ang sa departamento ng health, at ako naman, it would reflect on me as President. That is why I was so interested I followed it up with them,” dagdag pa ng Pangulo.

Kamakailan lamang ay pinagmumura ni Duterte ang COA dahil sa inilabas nitong audit report ng mga ahensya ng pamahalaan. Agad rin ipinagtanggol ni Duterte si Duque at pinangunahan ang kalihim na huwag nag-resign sa kanyang puwesto.

Inamin naman ni Duterte na hindi lamang DOH ang na-flagged o pinuna ng COA, ngunit maging ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at si Secretary Carlito Galvez, na siyang in-charge sa pagbili ng mga Covid vaccines. Si Galvez rin ang peace adviser ng Pangulo at pinuno ng Office of the Presidential Adviser of the Peace Process.

Subali’t marami pang ibang ahensya ang pamahalaan ang isinaman ng COA sa kanilang mga reports. Kasama dito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bumili ng hygiene kits, sanitary napkins at thermal scanners na umabot sa P1.269 million mula sa isang construction at trading firm sa Pasay City, ngunit wala naman ito sa address na ibinigay ng OWWA.

“Hindi lang ito pati 'yung DILG may nababasa ako, pati 'yung kay Secretary Galvez, mayroon din, flagged, puro flagged, flagged, flagged down. Stop that flagging, Dod damn it! You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. The flagging is spelled f-l-a-g-g-e-d. Ang ginagawa ninyo is f-l-o-g-g-i-n-g. Flogging, hampas. Eh huwag naman sige kayong flag nang flag. Tapos wala namang napreso, wala naman lahat. And yet you know that when you flag, there is already a taint of corruption by perception. You cannot... You know, this COVID-19 will never be won by the way you are also behaving,” ani Duterte.

Ipinag-utos rin ni Duterte sa mga taga-gobyerno, partikular sa mga may kinalaman sa Covid-19 response, na gawin nila ang lahat at kahit mangutang pang muli at huwag sumunod sa kagustuhan o abiso mula sa COA.

“Ang utos ko ganoon. Kung wala kayong, sa lahat sa gobyerno, especially connected with COVID --- kung wala, mag-utang kayo. Hindi ako papayag, na you do everything you can. Mamamatay na, kita mo 'yung mga frontliners tapos wala kang ibigay na suporta. By the way, itong frontliners, unahin mo na lang. If there is enough money, bayaran mo 'yung...Tsaka 'yung mga medisina ulit utangin mo. Huwag mong sundin ‘yang COA. Putang ina ‘yang COA-COA na ‘yan. Wala namang mangyari diyan,” wika pa ng Pangulo sa kanyang utos kay Duque.

Maging ang mga pahayagan ay tinira rin ni Duterte sa paglalabas ng COA preliminary reports ng mga ahensya ng pamahalaan lalo na ngayon papalapit ang halalan. “Iyan ang ayaw ko, iyang flagging-flagging eh. It creates a conundrum pati na, alam mo political season na ngayon. Kanya-kanyang banat, kanya-kanyang criticism itong mga newspapers akala mo as if they are the epitome of propriety and decency,” sabi pa ni Duterte.

Batikos

Umani naman ng batikos si Duterte mula sa mga mambabatas at sinabing hindi dapat pinapakialaman nito ang COA dahil isa itong independent body.

“Sabi siya nang sabi na galit siya sa korapsyon pero hindi naman niya sinusuportahan ang COA na siyang pangunahing ahensya na nagsusuri sa tama o maling paggastos ng gobyerno sa pera ng taumbayan. Spending our people's money means that it has to be done in accordance with the law. If they cannot comply with the law, then they have no business spending our money. Kung hindi susundin ang tuntunin sa tamang paggastos ng pera ng taumbayan, hindi malalaman ng tao kung ginagamit ba ng tama ang mga buwis na pinaghirapan nilang bayaran o kung ninanakaw lamang ng mga kurakot na opisyales ng gobyerno,” ani Senator Leila de Lima.

Sinabi naman ni Senator Ping Lacson na dapat huwag matakot ang COA sa tirade ni Duterte. “First, the Commission on Audit is a constitutional body which is independent of the executive or legislative branches of government, and certainly not under the Office of the President of the Republic. It has a mandate to perform, and no one can dictate on them. Second, COA findings and recommendations are public documents. Transparency dictates that the public must be informed of how public monies are spent.”

“That said, the President is out of line in publicly castigating the COA, which is just performing its mandate and responsibility to the people and the Constitution. For its part, the COA should not be cowed by intimidating statements, even those coming from the Chief Executive. In fact, those in the COA should proceed with more vigor, courage and independence,” pahayag pa ni Lacson.

Maging si Senator Riza Hontiveros ay nanindigan sa panig ng COA. “The Commission on Audit is an independent, constitutional body designed to check on the President and other government instrumentalities. The president cannot exempt any agency from audit procedure, or worse, encourage them to defy COA’s jurisdiction. Trabaho ng COA na mag-release ng mga reports, lalo na ngayong pandemya dahil mabilisan ang paggasta at napakaraming emergency procurement. COA only ensures that accountability would never give way to haste, especially on the pandemic budget,” wika ni Hontiveros.

“Imbes na pigilang gawin ang trabaho nila, dapat pa ngang pasalamatan natin ang COA, dahil sa pamamagitan ng kanilang report, itinuturo nila ang mga kailangang itama at bigyang linaw ng Department of Health. Akala ko ba ay hangad ng administrasyon na wakasan ang kurapsyon? Bakit gigipitin nanaman ang isang ahensyang sumusubaybay at nagbabantay sa bilyun-bilyong pisong pondo ng bayan? Bakit parang gusto yatang hawakan sa leeg ang isang independent, constitutional body, pero ayaw naman papanagutin at padaanin sa proseso ang ahensyang pinagpapaliwanag lang naman? Kampihan ba ang magpapatakbo sa bansang ito?” dagdag pa nito.

Shit

Noong September 2018 ay binira rin ni Duterte ang COA matapos na magsumbong sa kanya si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ukol sa COA circular. Sinabi pa ni Duterte na ihulog na lamang sa hagdanan ang mga COA auditors upang hindi na makapaglabas ng kanilang reports.

“Sino’ng taga-COA dito? Ihulog mo na sa hagdan para ‘di na maka-report. Maniwala ka diyan COA na ‘yan. You know you just do it by circular and expect everybody to obey. Mga circular... ano’ng paki-alam ko? Inyo ‘yan. Kaya yan circular circular...’di mo malaman circular nila ano pakialam ko putang ina circular mo. Kaya nga circular lang yan eh. Make it a law or a regulation but don’t give that shit of a circular,” wika nito. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment