ICC, pinagbantaan ni Duterte!
PINAGBANTAAN NI Pangulong Duterte ang International Criminal Court (ICC) na patuloy sa imbestigasyon nito sa diumano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kasalukuyang administrastyon.
Ibinibintang ang mga pamamaslang ng mga hinihinalang drug users at pushers sa “war on drugs” ni Duterte. Maging ang mga ibat-ibang human rights groups ay inginunguso si Duterte sa naturang mga alegasyon, bukod pa ang umano’y pag-target ng Pangulo sa mga kritiko nito sa pulitika at media, at mga negosyante sa bansa.
Sinabi naman ni Duterte na hindi ito makikipag-cooperate sa ICC at makikipaglaban ito upang masalba ang sarili sa mga kaso.
“Alam mo kung gusto talaga ninyo akong...It’s over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako doon sa Netherlands patay. You will have a carcass. Hindi ako pupunta doon buhay, mga ulol. Pero ‘'pag nakita ko kayo dito, na unahan ko na kayo. Mga letse kayo,” ani Duterte.
“Ito namang Human Rights...ipalagay na natin totoo ‘yang sinabi ng human rights, putang ina, sinong nakinabang diyan? Ako? Ako ang nakinabang? Pamilya ko? Nakinabang sila diyan sa putang inang mga patay na ‘yan? Sino? Sinong nakinabang? Kayo, ang anak ninyo, ang bayan natin ang nakinabang,” panunumbat pa ng Pangulo.
ICC Courtroom |
ICC Detention Center |
“Sino nalagay sa alanganin? Ako, pamilya ko, ‘yung buhay nila, gaganti ‘yang mga yawa na ‘yan. Eh hindi naman ako milyonaryo na may isa akong squad diyan sa likod nagbantay. Ako pa ang napo-problema ngayon, puta, ako. Ang nakinabang kayo, kayo mga Pilipino sa totoo lang,” ani Duterte.
Pati ang Estados Unidos ay dinamay na rin ng Pangulo at tila ipinapahiwatig nito na huwag maki-alam sa mga kasong ibinibintang sa kanya. Ipinaalala pa ni Duterte sa Amerika na marami rin itong human rights abuses at maging sa ibat-ibang panig ng mundo
“I'd like to say something about the, itong State Department. Be careful. Be careful of what you are planning or doing there because you yourself, your country is guilty also of so many violations of human rights. Kung ma-address ninyo ‘yung mga historical kagaya namin dito; ‘yung historical injustice committed against the Moro people. Kaya nga kami nakikipag-areglo,” paliwanag pa ng Pangulo.
Dapat rin umano ilabas ng Amerika ang listahan ng mga human rights victims nito. “Walang listahan sa mga kriminal. Walang pinapakita nitong mga ganito. Bakit hindi niya ipakita ito? Anong ginagawa sa tao ng mundo? At ‘'yung mga listahan sa mga pinatay, bakit listahan lang sa pinatay ng mga kriminal? Sagutin nga ninyo ako diyan,” dagdag pa ni Duterte.
Pinatutsadaan naman ni Senadora Leila De Lima ang mga sinabi ni Duterte at sinabing nitong baluktot ang pagiisip o wala sa tamang katinuan ang Pangulo. “Duterte thinks that his drug war is beneficial to the people when it is the very reason for their pain, suffering and trauma. Pinatayan ka na, gusto pa magpasalamat ka. What a twisted mind!” ani De Lima.
“Duterte and his family benefited from all these senseless killings in the country, not the Filipinos, and definitely not those innocent victims whose lives were lost, as well as the thousands of poor widows and orphans whose dreams were shattered, in this bloody and murderous war on drugs,” dagdag pa ni De Lima sa kanyang mga akusasyon laban kay Duterte.
Umapela rin si De Lima sa publiko na huwag maniwala sa mga pinagsasabi ni Duterte na ngayon umano ay takot na takot sa imbestigasyon ng ICC.
“This reality should be more than enough to remind us to not allow Duterte to brainwash anyone into believing that his drug war is good for us and that we should tolerate all these violence, because we should not, and we should never. Kahit ano pang sabihin ni Duterte, hindi na kailanman maibabalik ang libo-libong buhay na pinaslang ng drug war - mga inosente at walang kamuwang-muwang na mga bata at walang kalaban-labang maralita,” wika pa ni De Lima.
Prosecutor Fatou Bensouda
Nitong nakaraang Hunyo, sinabi ni ICC Chief Prosecutor Fatou Bensouda na hiniling nito ang isang “full-blown investigation” sa mga alegasyon ng pamamaslang laban kay Duterte at iba pang mga sangkot dito.
Matatandaang tumiwalag ang Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 2018 matapos na maglunsad ang ICC ng preliminary examination sa mga krimen na may kinalaman sa war on drugs ni Duterte noong Pebrero 8, 2018. Ang Rome Statute ay ang founding treaty ng ICC sa United Nations na kung saan ay kabilang ang bansa. Ang ICC ay nasa Netherlands at itinatag ito noong 2002. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment