IGINIIT NI Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang virtual presser o “Talk to the People” ang hindi election campaign at nais lamang umano nito na ipaalam sa publiko kung ano ang ginagawa ng kanyang administrasyon.
Ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ‘Talk to the People’ sa Malacañang nitong Oktubre 19 at makikita rin ang isang foot massager sa ilalim ng kanyang mesa. (Kuha ni Simeon Celi) |
“Hindi ito sa kampanya kasi we are in the campaign period already na hindi ito ano, pera ng tao ito. So kaya lang nandito kami in this program because sinabi ko sa inyo ipapakita ko kung saan ‘yung pera ninyo napunta. Napakita na namin ‘yung sa mga airports, highways and everything, and of course, the greatest damage inflicted by the siege primarily started by the terrorists left Marawi into rubbles. So pinakita ko sa inyo kung saan ang pera natin nagpunta,” ani Duterte matapos itong magtungo kamakailan sa Marawi City upang inagurahan ang isang mosque doon.
Matatandaan
nawasak ang buong Marawi dahil sa pambobomba ng militar upang maitaboy ang mga
pro-ISIS militants na kumupkop sa naturang lungsod noong Mayo 2017.
Tumagal ng 5
buwan ang sagupaan sa Marawi at halos walang naturang kabahayan doon na walang
tama ng bala o bomba at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sa Marawi
ang mga residente dahil sa matinding pinsala na iniwan ng giyerang kumitil sa
buhay ng daan-daang katao.
Sa kabila ng
pahayag ni Duterte ay todo naman ang banat nito sa Senado at puntirya palagi si
Senador Richard Gordon na siyang chairman ng Blue Ribbon committee na
nagiimbestiga sa diumano’y katiwalian at korapsyon sa pamahalaan. Maging ang
mga ibang “presidential” candidates at oposisyon ay binabanatan rin ni Duterte
sa kanyang virtual presser at ibinibida ang sariling mga kandidato sa darating
na halalan.
“May makita
lang ano, ah corruption, corruption nandito, corruption. Magandang issue kasi
‘yan kasi election. Iyong hindi naman nakaalam masyado o walang alam, o alangan
‘yung alam eh tapos sumali kayo sa, hindi ninyo alam ang proseso, now you see
the light of day. At the first instance we have said, the Senate is not a
criminal investigation body. If you are looking for graft, hindi diyan, sa
Ombudsman. It’s the prosecutors who will pore over the documents and would tell
you that there is a good case to file in court. Otherwise, sabihin sa iyo
i-dismiss natin ‘yan kasi walang ebidensiya.”
“But there
are some people who keep on hammering, that is a free campaign exposure. Pero
sinabi ko sa inyo alam ko na --- ang mga tao na may dalawa ang mukha dito sa
ating gobyerno,” paliwanag pa ni Duterte na patuloy sa pagtatanggol sa
kumapanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation na nakukuha ng
bilyon-bilyong halaga ng kontrata mula sa pamahalaan.
Pinagbawalan
rin ni Duterte ang mga Gabinete at opisyal o empleyado ng pamahalaan na dumalo
sa Blue Ribbon hearing at iginiit na walang anomalya o korapsyon sa kontrata ng
Pharmally sa pamahalaan. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment