‘Agan, UNA nagpahayag ng suporta’
WALA PA
rin kupas ang popularidad ni Mayor Beng Climaco sa kabila ng Covid-19 pandemic
at sa nalalapit na halalan matapos sabihin ni Vice Mayor Meng Agan na susuportahan
nito ang alkalde kung mag-desisyon itong tumakbo bilang congresswoman ng
Zamboanga City.
![]() |
| Mayor Beng Climaco |
Si Climaco ay nanilbihan bilang councilor mula 1998-2004; vice mayor mula 2004-2007; at congresswoman ng Zamboanga mula 2007-2010 at 2010-2013, bago pa man naging mayor noong 2013. Wala pa itong talo sa eleksyon dahil sa taglay na kagalingan at sinseridad sa serbisyo at kung tatakbo ito bilang congresswoman ay siguradong mananalo itong muli.
Si Agan
ay humiwalay sa Partido Prosperidad y Amor para na Zamboanga (PPAZ) ni Climaco
upang tumakbo bilang alkalde sa ilalim ng kanyang partido, ang United
Nationalist Alliance (UNA).
Kasama
ni Agan sina Councilors Elbert Atilano, Al-Jihan Edding at Jimmy Villaflores na
dating kasamahan ni Climaco sa PPAZ.
Bitbit
naman ni Climaco si Congressman Jawo Jimenez na tatakbo bilang alkalde at
siyang makakalaban ni Agan. Bukod kay Agan at Jimenez ay tatakbo rin bilang
alkalde si ex-Congressman Celso Lobregat at Councilor John Dalipe o ang kapatid
nitong si Congressman Mannix Dalipe.
Ang
beteranong si Lobregat ay tinalo ni Climaco noong nakaraang halalan. Tanging si
Climaco lamang ang nakatalo kay Lobregat mula ng ito ay naging pulitiko – mayor
at congressman ng ilang beses.
Ikinatuwa naman ng mga
taga-sunod ni Climaco ang desisyon ni Agan at ng UNA na suportahan si Climaco.
Walang pahayag si Climaco sa pag-ampon sa kanya ni Agan at ng partido nito.
Ngunit nagpasalamat naman si
Climaco kay Agan at sa mga sumama sa kanya ng sila ay kumalas sa PPAZ at ito
ang sinabi ni Climaco: “We
thank Vice Mayor Rommel Agan, Councilor Bong Atilano, Councilor Jihann Edding
and Councilor Jimmy Villaflores for the fruitful years of support and
partnership on our agenda of government. As they leave the coalition for the
2022 elections, we wish them luck in their plans and endeavors.”
“Team
Climaco remains strong, united and committed to continue to work hard in this
pandemic- to heal the sick and feed the hungry - na favor de Dios continua dale
curada, comida y busca vida na tiempo de pandemia. Ciudad antes de todo. Vaya
con Dios!” (Zamboanga Post)






No comments:
Post a Comment