DAVAO CITY – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gobernador at alkalde sa bansa na dalhin ang kanilang mga constituents sa mga vaccination sites at nakiusap pa ito sa mga opisyal na gastusan at pakainin ang mga tao at minsanan lamang umano ito.
“I also appeal to all governors and mayors, dalhin ninyo ang mga constituents ninyo sa mga vaccination sites, sa mga hospitals, malls, at maging sa mga Jollibee at McDonald's branches para mabakunahan na sila. Ang problema nito, iyon ang --- mga governor, bahala na kayo nito. Iyon namang pupunta sa Jollibee para magpabakuna at saka sa McDonald’s, matapos parang gutumin, walang pera, tapos maamoy niya 'yang karne diyan, I suggest --- I am authorizing all governors and mayors, gumastos na lang kayo ng pera, papalitan ko lang ‘yan balang araw.”
“Pakainin na lang ninyo sila para may... Pakainin ka doon tapos gutom ka. Eh ‘di kaawa naman 'yang Pilipino. Really, you just give me the bill and I will try to pay it if I have the money. Tutal ano lang naman ‘yan eh. Iyon magpatigas-tigas na matagal mong kumbinsihin, bigyan mo lang 'yan ng siopao. Sanay ang mga gobyerno -- governor and mayors sa paghakot ng tao so dapat kayang-kaya din nila ito. Well, this is a very... Hindi na kailangan sabihin sa ano na sanay ang mga gobyerno at mayor. Sanay ito sila sa eleksiyon maghakot. Para ito pang ano hindi na nila kaya,” ani Duterte.
Nagpasalamat rin ang Pangulo sa pribadong sektor at sa tulong ng mga shopping malls at fast food chains, gayun rin ang mga pribadong ospital sa pahintulot ng mga ito na gawin vaccination sites ang kanilang lugar.
“Maraming salamat sa bayanihan ninyo. At kung maaari, pakainin ninyo tutal one time lang naman 'yan at para lang sa bayan, gawain mo para sa bayan. Kailangan talaga lahat mabakunahan,” wika pa nito.
Ngunit ipinahayag rin ni Duterte na hindi dapat papasukin sa mga restoran o resorts ang mga hindi bakunado at maari umano silang carrier ng Covid-19 at makahawa ng ibang tao.
“Ang mga ayaw, they should not be
allowed inside public restaurants or resorts because they are a threat to
public health and the safety of the general public, threat to public health.
Alam mo pagka ang sumatotal nitong sabihin mo public health. Anong public
health? Public health 'yan kasi ang sabi ko ang dead end niyan is kamatayan.
Dapat maintindihan ito ng mga kababayan natin: kailangan lahat ay magpabakuna,”
paliwanag pa ng Pangulo. (Malou Cablinda)
No comments:
Post a Comment