FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, November 19, 2021

LANDBANK: Walang ‘ayuda’ sa PhilSys registration centers

NILINAW NGAYON ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) na ang mga
LANDBANK cards na ibinibigay nang libre at walang kinakailangang paunang
deposito sa mga nag a-apply para sa national ID, ay walang kasamang tulong
pinansyal mula sa pamahalaan o ‘ayuda’.
Ipinahayag ito ng LANDBANK matapos na dagsain ng mga taong umaasang
makakatangap ng ayuda ang iba’t-ibang Philippine Identification System (PhilSys) registration centers dahil sa maling impormasyon na kumakalat online.
Ang LANDBANK ay nakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa sa implementasyon ng PhilSys sa buong bansa upang bigyan ang mga nag-apply para sa national ID na wala pang bank account ng kanilang sariling transaction account. Ito ay upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa iba’t- ibang produkto at serbisyong pampinansyal, at bilang pagsuporta sa layunin ng ating pamahalaan na mas palawakin pa ang financial inclusion sa bansa.
Patuloy ding hinihikayat ang mga PhilSys registrants na wala pang bank account na magbukas ng LANDBANK transaction account. Ang LANDBANK card ay maaring gamitin para mas madali ang mag-ipon at gumawa ng pinansiyal na transakyon tulad ng mag-withdraw at magpadala ng pera, mag-shopping at magbayad ng mga babayarin online, at madami pang iba.
Nitong Oktubre, umabot na sa 6.14 milyong PhilSys registrants ang na-
onboard ng LANDBANK at makakatanggap ng kanilang sariling transaction account mula sa 1,296 registration sites sa 62 probinsya sa buong bansa. (Richard Ebona)


No comments:

Post a Comment