FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, November 12, 2021

‘Pangit, Putang…’

‘Yurak-yurak na naman kay Duterte ang ayaw sa bakuna’ 

MULING NIYURAKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katauhan o dignidad ng mga umaayaw sa bakuna matapos nitong murahin at tawagin na “pangit” ang mga tumatanggi sa naturang gamot kontra Covid-19.

Ang pagmumura ni Duterte sa kanyang “Talk to the People” ay broadcast sa buong bansa na kung saan ay nanawagan ito sa publiko na magpa-bakuna at samanralahin ang tatlong araw na vaccination drive na ilulunsad ng pamahalaan ngayon buwan.

 

“We are planning to conduct a three-day national vaccination drive from November 29 to December 1, coinciding with our November 30 commemoration of Bonifacio Day. With this, we want to convey the message that every Filipino who will get vaccinated. Lahat na pala, ang gustong sabihin dito sa gobyerno na ‘yung lahat nagpa-bakuna are heroes, lahat kayo hero. Iyong hindi nagpabakuna ‘yung mga pangit na put, putang ina kayo. Huwag ninyo akong bigyan ng problema,” ani Duterte.

 

Ilang ulit ng pinagmumura ni Duterte at pinagbantaang ikukulong ang mga mamamayan na ayaw sa bakuna.

 

Sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año ay naglabas na ito ng direktiba na naglalayong mapabilis ang utilization ng mga bakuna sa mga lokal na pamahalaan. Nakasaad sa direktibang ito na inaasahan umano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang patuloy na koordinasyon ng mga local governments sa Regional Vaccination Operations Centers.

 

Dapat umanong siguraduhin na nakapagsumite angf mga local governments ng kanilang vaccination reports sa tamang oras upang malaman kung gumagalaw ba ang mga bakuna at makasiguro na walang masisira o masasayang na bakuna at maibigay ito sa mga kababayang naghihintay ng kanilang COVID-19 vaccine.

 

Pinuri naman ni Año ang mga gobernador at mayors sa kanilang suporta sa mass vaccination program ng pamahalaan.

 

“Natutuwa po tayo na ang mga governors at mayors ay nagbigay ng commitment upang doblehin ang kanilang performance. Naglabas din ang Kagawaran ng kahalintulad na direktiba para naman sa mga DILG regional directors, sa ating BARMM Interior and Local Government minister upang sapat na magabayan ang LGUs sa tamang storage at handling ng mga gamot at masigurado ang mabilis at maibigay ang bakuna sa taong-bayan.”

 

“Para naman po mahikayat ang mga tao na magpabakuna, ang ating LGUs ay magsasagawa nang mas maiigting na advocacy campaign at magpapasa ng mga ordinansa na bibigyan ng mga insentibo ang fully vaccinated na kababayan natin sa mga economic and social activities. Napag-usapan din po namin sa aming pagpupulong na ito ang maraming best practices ng ilang local chief executives at natutuwa pa rin po tayong madinig mismo sa ating mga mayors at governors na handa silang tumulong sa kanilang mga karatig-probinsiya, lungsod o munisipyo upang mapabilis ang administration ng COVID-19 vaccine lalo na sa mga LGUs na kulang sa manpower at logistical capabilities,” paliwanag pa ni Año. (Mindanao Examiner)



BingoPlus