‘Go-Duterte tuluyan ng umatras’
MISTULANG PINAGLARUAN na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte and Senador Bong Go ang kanilang mga supporters matapos silang umurong sa darating na halalan.
Si Presidente Rodrigo Duterte at kanyang partner na si Honeylet Avanceña at kanilang kaisa-isang anak na si Veronica. (King Rodriguez) |
Pormal na naghain ang dalawa ng kanilang withdrawal sa eleksyon sa Commission on Elections. Naunang nagsabi si Duterte na tatakbo itong bise presidente, ngunit naghain ng kandidatura bilang senador at kalaunan ay umurong matapos na batikusin ng husto si Bongbong Marcos, na kanidato sa pagka-pangulo ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.
Target naman ni Go ang pagka-pangulo, ngunit dahil sa gulo sa pagitan nina Duterte at Marcos-Sara tandem ay tuluyan rin itong umurong.
Ito rin ang style ni Duterte noong 2016 na kung saan ay paulit-ulit nitong sinabi sa publiko na hindi siya tatakbo bilang Pangulo, ngunit panay naman ang kampanya sa buong bansa at gamit ang adbokasiya sa pederalismo bilang cover at sa huling sandali ay nag-desisyon sumabak sa halalan.
At ginamit rin ni Sara ang style ng ama matapos itong maghain ng kandidatura bilang mayor, ngunit sa bandang huli ay binawi ito at tatakbo na lamang bilang bise presidente ni Marcos, na anak ng diktadong na si Pangulong Ferdinand Marcos. Ilang ulit rin sinabi ni Sara na hindi ito tatakbo sa anumang national position kung tatakbo ang ama.
Dahil sa laro ng mag-amang Duterte at Go ay nahati ang puwersa ng DDS o Die-hard Duterte Supporters. Nawalwan rin ng kandidato ang PDP-Laban at Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan na siyang Partido nina Duterte at Go.
Ginamit umano ni Duterte ang batas upang paikutin ito at malaman ang pulso ng mga mamamayan, ngunit dismayado rin ito sa ginawang pagsanib ni Sara kay Marcos dahil ang nais nito ay ang anak ang tumakbo bilang Pangulo. Ito rin ang unang hiling ni Duterte kay Sara na maging bise presidente ni Go, ngunit inalmahan naman ito ng anak at si Marcos ang pinili.
May personal isyu rin diumano sa pagitan nina Sara at Duterte kung kaya’t matagal na itong hindi naguusap. Si Duterte ay kasalukuyang nasa partner nitong si Honeylet Avanceña at may isang anak na babae; at si Go ay kilalang malapit kay Honeylet.
Hindi pa sinasabi ni Duterte kung sino ang susuportahan nito sa pagka-pangulo o kung ikakampanya ba nito si Marcos dahil sa anak sa kabila ng mga pambabatikos nito sa dating senador.
Umaasa naman sina presidential candidates at Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquaio na sila ang suportahan ni Duterte. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment