‘Pangulo may banat sa mga presidential candidates’
BIGLANG TUMIGIL si Pangulong Duterte sa kanyang banat kay presidential candidate Bongbong Marcos, na running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Carpio, ngunit may banta naman ito na muling titira sa mga kandidato.
“I will personally name the candidates and maybe what’s
wrong with them na kailangan malaman ng tao because you are electing a
president. Sino ‘yung pinaka-corrupt na kandidato, sino ‘yung kandidato na… You
know, this is part of --- hindi ako namumulitika. I am talking to you as your President.
There are things that which you must know sa aking trabaho and ito kailangan
ilalabas ko kasi we are talking of elections, we are talking of our country and
the next rulers, so to say, so to speak,” ani Duterte.
Hindi naman ito nagsabi ng pangalan, ngunit ilang beses na
rin nitong pinasaringan si Marcos dahil aniya ay mas dapat na maging
presidential candidate si Sara.
“Importante malaman nila na ano. Pero ito, bahala na kayo.
If you want to believe in me, if you still believe me, I will tell you. But if
you reject it, kung ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang bahala kayo.
Tutal it’s your country, it’s not only mine, and kailangan may malaman kayo na
alam ko na hindi ninyo alam because alam ko.”
“Why? Because I am the President and I get all information
from everybody, and not only that, from personal experience, nakita ko lang.
Nakita ko. Hindi ako nagsabi na na magmakarunong ako. From observation, makita
mo man. Parang ang taong nakainom malaman mo na medyo sumobra siya sa limit ng
botelya na kaya niya. Tapos mag-away, tapos magtapang, mas sa ano -- magsalita
masakit, akala mo may utang ang kaharap, kala niya may utang ‘yung tao sa
kanya. Ganoon ‘yan eh,” wika pa nito.
Ngunit kaliwa’t kanan naman ang batikos ng publiko kay
Duterte sa kanyang banta dahil siguradong ikakampanya nito ng husto ang
sariling anak at posible maging ang kandidatura ni Marcos, na anak ng dating
dictador at plunderer na si President Ferdinand Marcos.
Matatandaan na ang ama ni Duterte na si Vicente ay dating
nasa Gabinete ng dictador kung kaya’t pinayagan nito na mailibing sa Libingan
ng mga Bayani ang dating presidente.
Inamin rin ni Duterte na si Senador Imee Marcos, na kapatid
ni Bongbong, ang siyang tumulong sa kanyang kampanya noong 2016 presidential
polls kung kaya’t malaki ang utang na loob nito sa Pamilyang Marcos.
“Ang gusto ko lang sabihin dito na kung magkampanya ako dahil
parang obligasyon ko kasi. So walang personalan ‘to because obligasyon ko lang
na kailangan masabi ko sa tao. Pero sa lahat ng nakikita ko, para sa akin,
well, except one, mayroong isyu eh na hindi maganda.”
“So kung ito maging presidente, baka mapilitan ako araw magyawyaw,
maging ano na tuloy ako. Kaya kung na-presidente ito, masabi ninyo na may - ito
si Mayor - may tama niyang - kung ‘yang paniwala niya tama rin na sabihin niya
ang nalalaman niya na whether it is my truth or your true belief, ah bahala na.
Basta inamin ko, sabihin ko na ngayon, alam ko, alam ko. So sa mga tao na
Pilipino sabihin ko, kung magno - hindi man - kung maniwala kayo, okay man sa
atin. Pero kung hindi, mabuti rin sa akin, wala, nothing at stake for me,” paliwanag pa ni
Duterte.
Hindi naman sinabi ni Duterte kung gaano ka totoo ang mga
paratang nito at sa mga nakalipas na mga taon at noong 2016 presidential
campaign ay maraming rin itong ikinalat na mga fake news.
Ngunit pinangatawanan ni Duterte ang kanyang mga banta sa
mga presidential candidates.
“Mayroon diyan talagang hindi puwedeng maging presidente. Mayroon
naman diyan na presidente pero masyadong corrupt. Akala lang kasi ng mga tao
malinis pero ‘yung mga mga nag-transact
sa business sa kanya, official business, pati ‘yung mga Chinese nagreklamo na
na masyadong corrupt daw. Kaya naghihingi sa kanila, sabi kung may magawa ako.
Sabi ko ang magawa ko is to charge him for corruption. It could be under the
Revised Penal Code, it could be under Republic Act 3019, ‘yung Corrupt
Practices Act.”
“Tapos ‘yung, well so many laws to, but fundamentally, it’s
the Revised Penal Code or the Corrupt Practices and so ‘yun lang kasi maraming
nagtatanong bakit ako hindi nagsasalita? Maaga pa eh. Gawain lang nilang
pulutan ‘yung kalaban, tapos siyempre ako ‘yung reference point nila. Pati ako
madale sa ano, sa galit o sa ano, mahirap rin ‘yan kasi ayaw ko ng away eh. Bakit
ako maghahanap ng away? Magre-retire na ako, tahimik na ‘yung buhay ko. Pero I
feel that there are things which I would have to reveal to the Filipino people
because it’s my job to tell the truth. Wala akong karapatan not even, I am not
given a privilege of whatever for lying,” dagdag pa ni Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na hindi umano siya nagsisinungaling at
lahat ng ibinibintang ay totoo.
“Ang sinabi ko ang totoo, now ngayon kung ang mga tao
maniwala, bahala sila, election eh. Kung ayaw nilang maniwala, ganoon rin. So
mayroon naman dito na hopelessly, I think, hindi dapat ma-presidente, medyo
kulang talaga. Kulang na kulang. Everyday may sasabihin siya na mali o maski
the fundamentals, ‘yung ano, of what a person na gustong ma-presidente dapat,”
wika nito.
Sinabi rin noon ni Duterte na may isang
presidential candidate na gumagamit ng cocaine at walang nagawa para sa bayan
hindi tulad ng ama. Hindi rin ito pinangalanan ni Duterte. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment