FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, January 27, 2022

‘Hulog ng langit’

Sulu Rep. Samier Tan 

ZAMBOANGA CITY – Todo at taus-puso ang pasasalamat ng pamilyang Fernandez sa Zamboanga City matapos na makakuha ng malaking halaga ng abuloy upang maipalibing ang kanilang namayapang ina dahil sa komplikasyon ng renal disease.

Halos isang linggo ng nakaburol ang labi ni Lydia Fernandez sa kanilang maliit na bahay sa Barangay Tetuan dahil hindi sapat ang perang nakuha mula sa mga abuloy. Kailangan umano ng pamilyang naulila ang halagang P37,000 upang maibayad sa nitso at lote sa sementeryo ng Barangay Tumaga.

Isang larawan sa Facebook ng burol ng yumaong si Lydia ang napansin ni Sulu Rep. Samier Tan at naawa ito sa malungkot na sinapit ng pamilya kung kaya’t agad na nagpadala ng tao upang hanapin ang bahay ng mga Fernandez upang magpa-abot ng tulong.



Personal na pinuntahan ng liaison ni Sulu Rep. Samier Tan si Florencio Fernandez at nagbigay ng tulong galinh mula sa mambabatas na nagpaabot rin ng kanyang pakikidalamhati. (Image: Mindanao Examiner) 

Hindi naman mailarawan ng pamilyang Fernandez ang kanilang kagalakan sa tulong mula kay Tan, na nakababatang anak ni Sulu Gov. Sakur Tan. Kilalang pilantropo at maawain ang pamilyang Tan hindi lamang sa kanilang lalawigan, ngunit maging sa ibang bahagi ng Mindanao.

Tinawag naman ng pamilya na “hulog mula sa langit” ang kabaitan ni Tan.

Naulila ni Lydia ang kanyang asawang si Florencio, na walang trabaho dahil sa sakit nitong diabetes at hypertension; at limang anak na pawang may mga pamilya na rin at naghihikahos sa buhay. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment