FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, February 4, 2022

Suportado ka namin ‘Congresswoman’ Beng

BUONG-BUO ang suporta ng mga barangay officials kay Mayor Beng Climaco, na ngayon ay tumatakbo bilang congresswoman sa District 1.

Ito ay ayon sa mga sources sa kampo ni Climaco na nagsabing suportado ng mga barangay officials si Mayor at ang suportang ito ay galing hindi lamang mula sa District 1, kundi maging sa District 2.

At dahil sa panawagan ng publiko na muling tumakbo sa Kongreso, tinanggap ni Climaco ang hamon na muling manilbihan sa Kongreso. Dati na rin naging congresswoman si Climaco at naging Deputy Speaker pa ng Kongreso dahil sa kanyang taglay na galing at talino.

Kilalang multi-awarded si Climaco at patuloy pang dumarami ang suporta ng publiko sa kanya dahil na rin sa kanyang tapat na panunungkulan. Marami itong nagawang pagbabago sa Zamboanga City kung ihahambing sa mga nakaraang administrasyon.

Kaliwa’t-kanan ang mga proyekto ng administrasyong Climaco sa ilalim ng programang S.H.E. o ang “Security, Health at Education” na siyang prayoridad nito. Sa kanyang panunungkulan ay nabawasan ng husto ang mga krimen at nabigyan ng malaking halaga ang kalusugan ng mga mamamayan at seguridad ng lungsod at dumami pa ng husto ang mga negosyo kahit may pandemya.

Maging ang Pangulong Duterte at ang Department of the Interior and Local Government at iba pang mga ahensya ng pamahalaan ay kinilala at binigyan ng parangal si Climaco bilang pagkilala sa kanyang maayos na panunungkulan at serbisyo sa Zamboanga.

Maging ang mga black propaganda at fake news na ikinakalat ng ilang mga grupo laban kay Climaco upang ito ay siraan ay hindi rin umubra dahil sa mataas na suporta at malaking tiwala sa kanya ng mga Zamboangueños.

At dahil sa mga kasinungalingan na ibinabato kay Climaco ay lalo pang tumaas ang bilang ng mga supporters at followers nito sa kanyang Facebook page na ngayon ay nasa halos 378,000 na. Mas malaki kahit pa pagsamahin ang mga Facebook and sponsored pages ng mga pulitikong sina Celso Lobregat at Mannix Dalipe.

Si Climaco ay nanilbihan bilang councilor mula 1998-2004; vice mayor mula 2004-2007; at congresswoman ng Zamboanga mula 2007-2010 at 2010-2013, bago pa man naging mayor noong 2013. Wala pa itong talo sa eleksyon dahil sa taglay na kagalingan at sinseridad sa serbisyo at kung tatakbo ito bilang congresswoman ay siguradong mananalo itong muli dahil na rin sa malaking tiwala ng publiko.

Ang beteranong si Lobregat ay tinalo ni Climaco noong nakaraang halalan. Tanging si Climaco lamang ang nakatalo sa milyonaryong si Lobregat mula ng ito ay naging pulitiko – mayor at congressman ng ilang beses.

Suportado rin ni Vice Mayor Meng Agan ang kandidatura ni Climaco. Si Agan ay tumatakbo rin bilang mayor sa Zamboanga. Ikinatuwa naman ng mga taga-sunod ni Climaco ang desisyon ni Agan na suportahan si Climaco. Todo naman ang pasasalamat ni Climaco kay Agan at sa grupo nito.

Sinigurado naman ni Climaco na ipagpapatuloy nito at lalong pagtitibayin sa Kongreso ang kanyang mga nasimulan. (Zamboanga Post)



No comments:

Post a Comment