COTABATO CITY – Ipinangako ni Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Tambut na kung muling magwawagi sa halalan ay maghahain ito ng mga batas upang madagdagan ang bilang ng mga pagamamutan sa buong bansa, lalo na sa mga malalayong bayan, upang masibilhan ang mga mamamayan.
Kusug Tausug Rep. Shernee Tambut
Maging ang Zamboanga City Medical Center sa pamumuno ni Dr. Afdal Kunting ay naglabas rin ng pahayag at malaki ang pasasalamat sa Kusug Tausug dahil sa malaking pondong ibinigay nito sa pagamutan sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. At patuloy, ani Kunting, ang tulong ng Kusug Tausug sa mga mahihirap na pasyente mula sa rehiyon.
Nangunguna pa rin ang Kusug Tausug partylist sa mga serye ng
survey sa Mindanao na kung saan ay marami itong natulungan na mga mahihirap na
Muslim, Kristiyano, at mga natibong grupo.
Nitong taon lamang ay napabalitang tinamaan ng Covid-19 si
Tambut at nakaligtas mula sa mapanganib na sakit sa baga matapos na matinding
paghihirap nito. Dahil sa kanyang pinagdaanang hirap habang nasa Covid-19
isolation, ipinangako nitong bibigyan ng karagdagang atensyon ang mga
pasyenteng nasa publikong pagamutan.
Sa kanyang research, nabatid na 1,800 pagamutan lamang ang
bilang nito sa buong bansa, at mahigit sa 700 ang pampubliko. Ayon naman sa
data ng Department of Health, nasa control nito ang 66 pagamutan na may total
bed capacity lamang ng mahigit sa 27,000.
Sa naturang bilang, 38 pagamutan ang nasa Luzon at 14 dito
ay nasa National Capital Region; 12 sa Visayas at 16 lamang ang nasa Mindanao. “Majority
of the island-towns in the Visayas and Mindanao have little access to basic
health services and no access to specialized health services, except when the
sick are brought to the provincial capital. To worsen matters, transport from
these small island-towns to the provincial center is rare and often expensive,”
wika ni Tambut.
“Although Kusug Tausug is active in providing food and
financial assistance to poor people and marginalized sectors in the country, If
Allah’s mercy will grant me another chance to be in Congress, I will file bills
increasing the number of primary and secondary hospitals throughout the
country, making sure that several of these new hospitals will be built in
island-towns. In Shaa Allah," dagdag pa nito.
Si Tambut ang tumatayong chairperson ng Globalization and
World Trade Organization (WTO) Committee sa Kongreso at vice-chairperson ng
House Committee on Poverty Alleviation, at majority member ng committees on
Economic Affairs, Foreign Affairs, Muslim Affairs, Trade and Industry,
Transportation, at Women and Gender Equality. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment