FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, April 10, 2022

BBM pinag-aagawan!

PATULOY ANG agawan ng suporta ang Team Colorao ni dating mayor Celso Lobregat at ng Team Dalipe ni Congressman Mannix Dalipe sa mga supporters ni presidential candidate Bongbong Marcos sa Zamboanga City na kung saan ay nagpa-patalbugan ang dalawang kampo.

Parehong bitbit nina Lobregat at Dalipe ang tambalan nina Marcos - anak ng Diktador na si Ferdinand Marcos - at Davao City mayor and vice presidential candidate Sara Duterte - anak ng Pangulong Rodrigo Duterte. 

Si Bongbong ay nasa Partido Federal ng Pilipinas, samantalang si Sara naman ay miyembro ng Lakas-CMD at party mate ni Dalipe. Si Lobregat naman ay nasa PDP-Laban matapos na tumiwalag sa LDP. 

Si Marcos ay nagtungo sa Zamboanga nitong Marso 29 na kung saan ay nagkaroon ng caravan at political campaign rally sa Universidad de Zamboanga Summit Center sa Barangay Tetuan na dinaluhan ng halos 10,000 katao. 

Ipinag-malaki naman ni Lobregat na siya ang inindorso ni Bongbong matapos nitong itaas ang kamay ng dating mayor. Ibinahagi pa ni Lobregat sa kanyang Facebook page na sinabi umano ni Bongbong na: “Ang ating matagal nang kaibigan si Mayor Celso Lobregat…kami ni Mayor Celso 2nd generation na po kami na ka-alyado…matagal na matagal na kaming magkasama hindi lang sa pulitika.” 

Binatikos rin ni Lobregat ang diumano’y pagsiksik ni Dalipe at ng kanyang mga ka-partido sa truck na sinasakyan ni Bongbong sa kanyang caravan. Ito ay matapos na kumalat sa social media ang biglang paglipat ni Dalipe sa truck ni Bongbong sa R.T. Lim Boulevard matapos na harangin ng mga supporters ng Team Dalipe. 

Ani Lobregat: “Hindi kami sumusuksok ng aming sarili sa truck, hindi kami saling-pusa.

Thank you to BBM-Sara supporters in Zamboanga City and PFP for the overwhelming success of the Grand Caravan and Rally. Sama-sama tayong Babangon Muli! Junto-junto kita Levanta otravez!” 

Hindi mabatid kung si Dalipe ang pinasaringan ni Lobregat na “saling-pusa.” 

May counter-attack naman si Dalipe sa mga pasaring ni Lobregat at ito ang kanyang isinulat sa Facebook. “Bongbong Marcos together with Hon. John Dalipe, Cong. Mannix Dalipe, Atty. Wendell Sotto, Atty. Mel Sadain at the Uniteam Caravan in Zamboanga City. Hindi kayo lang, hindi kami lang. Sama-sama tayong lahat. Todo man ayudahan. The Essence of Uniteam. No to LAGAK mentality.” 

Ang salitang LAGAK ay ang Chavacano word ng “Suwapang,” ngunit hindi naman mabatid kung si Lobregat ba ang pinatatamaan nito. 

Hati naman ang loyalty ng mga DDS (Duterte Diehard Supporters) at BBM (Bongbong Marcos) supporters. Karamihan sa mga DDS ay ayaw kay Bongbong dahil sa background ng pamilya nito at sa mga kinulimbat na salapi ng bayan sa panahon ng Diktador. Ayaw rin ng mga BBM supporters kay Sara dahil ang loyalty ng mga ito ay nasa mag-amang Duterte lamang. 

Hindi rin inindorso ni Pangulong Duterte si Bongbong at ilang beses pa itong ininsulto at binansagang “weak leader” at may “bagahe.” Tanging si Sara lamang ang inindorso ni Duterte. 

Matatatndaan na dating magka-alyado sa City Council ang mga line-up nina Lobregat at Dalipe at binansagan pa nila ang naturang samahan na “Conscience Block at Majority Block” at nagsanib puwersa upang sa pambabatikos kay Mayor Beng Climaco matapos itong tumanggi na huwag ng tumakbo bilang alkalde sa 2016 at 2019 elections. 

Ngunit nagwagi pa rin si Climaco sa halalan kahit pa itinaas ng nina Duterte at Sara ang kamay ni Lobregat at inindorso ito. Noong 2019 election ay hindi umubra ang endorso ng mag-amang Duterte kay Lobregat dahil inilampaso pa ni Climaco ang beteranong pulitiko matapos ng isang landslide victory – ito rin ang kauna-unahang pagkakataon sa mahabang political career ni Lobregat na siya at natalo. 

Ngayon ay tumatakbo si Climaco bilang congresswoman sa District 1 at lahat ng political campaign rallies nito sa iba’t-ibang barangay ay jam-packed o punong-puno ng mga supporters kung ihahambing sa grupo nina Lobregat at Dalipe. 

Plataforma de gobierno at ang maraming mga accomplishments ang ibinabangka ni Climaco, gayun rin ng kanyang buong partido. Inaasahang magwawagi ang Team Climaco sa halalan sa Mayo dahil sa malaki at patuloy na suporta ng mga ZamboangueƱo sa grupo ni Mayor. 

Suportado rin ni Climaco si Vice President Leni Robredo bilang susunod na Pangulo ng bansa at si Sara bilang Vice President. Sa katunayan, isa si Climaco sa mga pulitikong nagsusulong ng ROSA o Robredo-Sara Tandem na suportado ng mga DDS. (Zamboanga Post)



No comments:

Post a Comment