LUMIPAT NA diumano sa kampo ni Mayor Beng Climaco ang mga DDS o Duterte Diehard Supporters upang masigurado ang panalo ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang vice president at si Climaco bilang congresswoman sa District 1.
Ayon sa mga sources, solid ang suporta ng DDS kay Climaco dahil
isa umano ito sa mga nagsusulong ng “ROSA” o Robredo-Sara tandem sa darating na
halalan. Ang DDS ay siya rin nasa likod ng suporta kay Pangulong Rodrigo
Duterte sa 2016 election.
“Maraming mga DDS ang sumusuporta kay Mam Beng as in
talagang marami dahil ayaw nila kay BBM at si Sara lang at ang Team Climaco ang
iboboto nila,” sabi ng isang source na malapit kay Climaco.
Unang
ibinalita ng The Zamboanga Post na karamihan sa mga DDS ay ayaw umano kay
Bongbong Marcos dahil sa background ng pamilya nito at sa mga kinulimbat na
salapi ng bayan sa panahon ng amang Diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
Si Marcos ay
tumatakbong presidente at ka-tandem nito si Sara. At ayon pa sa ilang sources,
ayaw rin ng mga BBM kay Sara dahil sa mga banat ni Duterte kay Marcos. Ito rin
ang dahilan kung bakit sa lahat ng campaign rally ni Marcos at tanging “BBM,
BBM” ang isinisigaw ng mga supporters nito at hindi “Duterte, Duterte,” o
“Sara, Sara.”
Nais kasi ni
Duterte na ang anak nitong si Sara ang pumalit sa kanya bilang Pangulo at si
Senador Bong Go naman ang vice president nito. Hindi rin inindorso ni Duterte
si Marcos at ilang beses pa nitong ipinahiya at ininsulto sa publiko si Marcos at
binansagang “weak leader” at may “bagahe.” Tanging si Sara lamang ang inindorso
ni Duterte.
Si Marcos ay nagtungo sa Zamboanga noong Marso lamang
na kung saan ay nagsagawa ito ng campaign rally sa Universidad de Zamboanga
Summit Center sa Barangay Tetuan na dinaluhan ng halos 10,000 katao.
Hindi makunan ng pahayag si Climaco sa naturang
suporta sa kanya ng mga DDS dahil abala umano ito sa kanyang mga trabaho. Nasa
ikatlo at huling termino na si Climaco bilang alkalde at dahil sa kagustuhan ng
mga Zamboangueño na maipagpatuloy nito ang kanyang maayos na
paninilbihan at tulong sa mga residente – Muslim, Kristiyano at Lumad - lalo na
sa mga mahihirap kung kaya’t nagpasya itong tumakbo bilang congresswoman.
Si Climaco ay dating nang nahalal
na congresswoman at naging Deputy Speaker pa dahil sa kanyang talino at malawak
na kaalaman sa pulitika. Multi-awarded rin si Climaco at maging si Duterte ay
ilang ulit itong pinuri. Marin rin itong natanggap na papuri mula sa Department
of the Interior and Local Government at iba pang mga ahensya ng pamahalaan at
nongovernmental at civic organizations.
Inaasahang mananalo bilang congresswoman si Climaco dahil pulos bagito sa pulitika ang mga kalaban nito at malayong-malayo sa talino at galing ng alkalde. (Zamboanga Post)
No comments:
Post a Comment