FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, April 2, 2022

‘Team Climaco’ rallies, dinaragsa!

PATULOY NA dinadagsa ng libo-libong mga tao sa iba’t-ibang barangay ang campaign rally ni Mayor Beng Climaco na ngayon ay tumatakbo bilang congresswoman sa District 1.

Mistulang meeting de avance ang bawat rally ng Team Climaco mula ng magsimula ang kampanya para sa mga lokal na kandidato nitong Marso 25. Ayon sa ilang aides ni Climaco, kahit pagsamahin umano ang campaign rally ng Team Colorao ni Celso Lobregat at Team Dalipe ni Rep. Mannix Dalipe ay di-hamak na mas marami ang mga dumadalo sa kampanya ni Climaco.

Nabatid pa na pawang “plataforma de gobierno” at accomplishments ni Climaco at ng mga kasamahan nito ang siyang pinakikinggan ng husto at pinapalakpakan ng mga tao.

Sa bawa’t simula at pagtatapos ng campaign rally ni Climaco ay nagdarasal ito ng taimtim at nagpapasalamat sa Panginoon Diyos sa patuloy na pag-gabay sa kanyang landas na tinatahak. Sa katunayan, bago pa nagsimula ang campaign rally ay nagtungo si Climaco at kanyang mga kandidato sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception at nagdasal doon at tumuloy rin sa Fort Pilar Shrine upang magtirik ng kandila at muling nagdasal.

“El Ciudad de Zamboanga ta esta resistente y ta continua progresa. El esfuerzo del diatun administracion ta ayuda alevia el vida del maga vivientes amediante el pandemia para na bienestar y proteccion del entero familia Zamboangueño. Cristiano man, Muslim o Lumad, todo ta esta unido. El mas mejor seguridad, de calidad educacion, buen salud y mas vivo economia que ta dale trabaho y oportunidad asegurao, porcausa na grande amor y prosperidad ta ofrece para na Ciudad de Zamboanga,” pahayag pa ni Climaco sa kanyang Facebook page. 



Kabilang sa line up ng Team Climaco ay sina Kim Elago bilang congressman sa District 2; Jawo Jimenez sa pagka-mayor; at Pinpin Pareja bilang vice mayor. Sa pagka-konsehal naman sa District 1 ay sina Los Eli Angeles, Ben Asdali, Gian Enriquez, Selina Espiritusanto, Joel Esteban, El King Omaga, at Marj Santa Teresa. At sa District 2 ay sina Philip Abuy, Tiffany Cabanlit, Sonny Boy Jalani, Jung-Jung Macrohon, Percival Miravite, Elong Natividad, Eddie Saavedra at James Siason. 

Pinasalamatan rin ni Climaco ang lahat ng mga Zamboangueños na walang humpay ang suporta sa kanya at mismong mga residente na ang nagbo-boluntaryong mangampanya para sa Team Climaco. 

Nanawagan naman si Climaco sa publiko na iboto ang lahat ng nasa Team Climaco upang masigurong maipagpapatuloy ang iba’t-ibang mga pro-poor programs at projects para sa ikauunlad ng Zamboanga. “Vote straight Team Climaco si queremos que la paz y el progreso continua,” ani mayor. (Zamboanga Post)

 



No comments:

Post a Comment