PINAREREPASO NI President Bongbong Marcos ang K to 12 Program ng Department of Education (DepEd) dahil sa napakaraming reklamo mula sa mga estudyante at magulang.
Kinumpirma
rin ito ni Vice President Sara Duterte na siya rin Education secretary matapos
nitong makausap si Marcos. Sinabi ni Duterte na pagaaralan ng husto ng
pamahalaan ang K to 12 Program at hindi umano agad itong ipatitigil.
Maraming
mga magulang at estudyante ang nagrereklamo dahil sa haba ng pagaaral sa ilalim
ng K to 12 Program na ipinatupad ng DepEd dahil sa mababang passing rate ng mga
estudyante.
Ngunit
ang problema, ayon sa mga magulang, ay ang kalidad ng pagtuturo sa pampublikong
paaralan at kakulangan ng training ng mga guro, partikular sa high school.
Dapat umanong bigyan pa ng regular na training ang mga guro upang maging maayos
ang kalidad ng kanilang pagtuturo.
Ang
K to 12 Program ay ipinatupad sa panahon ni Pangulong Noynoy Aquino. Tinawag ito K to
12 dahil mula Kindergarten ay kailangan pa ng 12 taon sa basic education o anim na taon
sa primary education, apat na taon sa Junior High School, at dalawang taon pa
sa Senior High School.
Bukod
sa K to 12 Program, nais rin ni Duterte ma pag-aralan ang epekto ng Covid-19 sa
mga estudyante at ang muling pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa,
partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, at iba pang mgan
problema o isyu ng DepdEd.
Maging
ang mga guro ay bibigyan rin pansin ni Duterte, partikular sa pagtataas sa
benepisyo at sweldo ng mga ito. (Kathleen Jean
Forbes, Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment