FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, July 29, 2022

Cebu railway project, bus rapid transit itutuloy

CEBU - Kabilang sa mga proyektong uunahin ng administrasyong Marcos Jr. para sa Cebu ay ang railway system at ang pagpapatupad ng Cebu Bus Rapid Transit.

Naniniwala ang pangulo na napapanahon na para palawakin ang mga kasalukuyang railroad networks gayundin ang pagpapatayo ng mga bago at buhayin ang mga hindi pa naaalis sa pipe line.

Sa kanyang State of the Nation Address, sinabi ni Marcos na maglalaan ang pamahalaan ng hanggang 6% ng Gross Domestic Product para sa infrastructure projects.

Kayang pondohan ng bansa ang mga plano ni Marcos kaugnay sa hangarin nitong ipagpatuloy ang mga proyektong pang imprastraktura ng bansa, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Idinagdag pa ni Diokno na ang hakbang na rightsizing sa gobyerno ay makakabuti rin anya para sa pagtitipid na magreresulta sa mas madali at simpleng proseso. Sinabi din nito na maaaring malampansan anya ng bansa ang napakalaking utang nito na lumubog sa panahon ng pandemya.

Sinabi ni Marcos na tatapusin niya ang mga kasalukuyang proyekto sa ilalim ng Department of Transportation. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, isa sa magiging prayoridad nito ang modernisasyon sa agrikultura na tutulong sa mga magsasaka na mapabuti ang kanilang produksyon.

Ayon kay Marcos, lahat ng ito ay ibabase sa siyensa. Susuportahan din aniya ito ng post-production processing. Paglilinaw pa ni Marco, ang modernisasyon na kanyang nais ay hindi dapat makaapekto sa climate change.

Bukod sa moraturium sa loans ng mga magsasaka, nais pa ng pangulo na paigtingin ang suporta sa pinansyal na pangangailangan ng mga ito

Tiniyak naman ng Department of Agriculture ang pagsasa ayos ng buong value chain upang matugunan ang mga pangunahing problema tulad ng tumataas na mga bilihin sa agrikultura at farm input prices. Puntirya ng kagawaran ay makakamit ang food sufficiency para sa bansa. (IBC, Cebu Examiner)



No comments:

Post a Comment