OPTIONAL NA umano ang paggamit ng mga estudyante ng kanilang uniporme, partikular sa mga publikong paaralan, ayon sa order na inilabas ni Vice President Sara Duterte, na siya rin Education Secretary.
Sinabi ni Duterte na malaki ang matitipid ng mga
magulang dahil hindi na umano kailangan bumili pa o magpatahi ng uniporme.
“Even before the pandemic, it is not a strict
requirement for public schools to wear uniforms (DepEd Order No. 065, s. 2010)
to avoid incurring additional costs to the families of our learners. All the
more that it will not be required this school year given the increasing prices
and economic losses due to the pandemic,” ani Duterte sa kanyang pahayag.
Nakasaad
sa DepEd Order No. 065, s. 2010 na: “The wearing of a school uniform shall not
be required in public schools. Students with existing uniforms may continue
using these uniforms, if they so desire, in order to avoid incurring additional
costs for new attire.”
Magsisimula ang in-person
classes at distance learning sa Agosto 22,
samantalang ang five-day, face-to-face classes ay sa Nobyembre naman.
Maraming magulang ang natuwa sa kautusan ni
Duterte na huwag na munang obligahin ang paggamit ng umiporme. Malaking tulong
umano ito dahil makakatipid ang mga magulang sa gastusin lalo’t pa na mataas
ang presyo ng mga bilihin.
Ngunit umani naman ng ibat-ibang reaksyon mula
sa ibang mga magulang ang kautusan ni Duterte.
“Ma’am Sara, mas mabuti po sana na may uniform
kasi po, para parepareho po ang kasuotan ng mag aaral, pano na lang po ang mga
pamilya na talagang sobrang hirap, baka po di na magsipasok ang mga bata dahil
sa walang maayos na maiisuot ang mga estudyante nila. Kasi po pede pong pag
simulan ng inferiority complex yan lalo na sa mga kabataan ng ang magulang eh
talaga pong walang maibili ng mga maayus na damit ang estudyante nila,” ani Emerlinda
Meneses.
Ayon naman kay Mari Trishelle Aviente: “Thank
you Mam VP. For now we should understand the situation. But hoping later the
government can subsidize sets of uniform and school supplies. Having uniforms
won’t make a student feel a little less or higher than the other.”
“Sa totoo lang mas gusto ko po mi uniform kasi
mas magastos bibili ng ibat ibang outfit. Mas madali din makilala ang student
sa hindi lalo nat mi gang problem dito sa amin,” sabi pa ni Ori Sofi.
Sinabi ni Dr. Fakhrul Islam Babu na “Don't Raise
the Bridge, Lower the River. Let us understand that, no need to wear a uniform
until further order in public school. Thanks, VP!” (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment