Mga tula ni Gamson
Bukirin
Nang sa bintana'y dumungaw
Ganda mo' aking natanglaw
Kaligayaha'y umapaw
Sa puso't isip ay ikaw
Kay ganda ng tanawin
Preskong simoy ng hangin
Masustansiyang pagkain
Sa mesa'y nakahain
Bituwing kumikislap
Tila ako'y kausap
Buwan aking hinanap
Nais ko'y kanyang yakap
Tahimik at maaliwalas
Kasiyaha'y walang katumbas
Sa bukirin ang bawat bukas
Puno ng alaala't bakas
Paruparo
Sari-saring mga kulay
Sa bukid nag bigay buhay
Damdaming balot ng lumbay
Galak ang iyong inalay
Sa bulaklak at halaman
Nakaaakit titigan
Para bang isang kaibigan
Laging nandiyan pag kailangan
Marikit na paruparo
Tunay kang nakaka aliw
Aral iyong itinuro
Tumatak sa aming puso
Alitaptap
Sa gabing kay payapa
Nakatitig sa tala
Mata ko'y lumuluha
Kailan pa ba huhupa?
Alitaptap sa gubat
Sa akin ay nagmulat
Mangarap ka't magsikap
Abutin kahit ulap
Alitaptap kong kaibigan
Bituwin ng kagubatan
Madilim man ang daanan
Matibay silang lalaban
Para sa aking hangarin
Ilog man ay tatawirin
Bundok ay handang akyatin
Kahit dagat sisisirin
No comments:
Post a Comment