DAVAO CITY – Sinopresa ni Sulu Gov. Sakur Tan ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang bahay dito upang muling magpasalamat sa lahat ng tulong at pagmamahal na ibinigay nito sa mga Tausug at sa kaunlarang dinaranas ngayon ng lalawigan.
![]() |

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Sulu Gov. Sakur Tan at Senador Bong Go sa Davao City. (Rowena Sakir)
Kasama ni Tan ang kanyang mga municipal mayors ng magtungo ito sa Davao City kamakailan lamang.
“Malaki talaga ang utang na loob namin kay Pangulong Duterte dahil sa maraming tulong ng ating mahal na Pangulo sa Sulu. Malaki ang naiambag ni Pangulong Duterte sa kapayapaan at kaularan ng Sulu. Nagpapasalamat kaming lahat sa kanya at mahal ng mga Tausug si Pangulong Duterte,” ani Tan sa panayam ng The Mindanao Examiner.
Ayon sa ilang insider, paulit-ulit umanong pinasalamatan ni Tan si Duterte at muling ipinangako ang buong suporta ng Sulu at pagmamahal ng mga Tausug sa dating Pangulo.
Naroon rin si Senator Bong Go na malapit rin kay Tan at nagmistulang “reunion” umano ang pagbisita ng gobernador kay Duterte. Tuwang-tuwa naman si Duterte sa pagbisita ni Tan at ng mga mayors nito.
Matatandaan na si Tan lamang ang gobernador mula sa Autonomous Region in
Muslim Mindanao (ARMM) na sumuporta kay Duterte ng ito ay tumakbo sa
pagaka-Pangulo noong 2016.
Kinausap rin ni Tan ang lahat ng kanyang mga mayors upang tulungan itong
mangampanya sa kanilang mga munisipyo sa kabila ng matinding pressure mula sa
Aquino administration. Suportado ng Aquino administration ang kandidatura ni
Mar Roxas at Leni Robredo.
Dahil sa ginawa ni Tan sa pagsalungat sa kagustuhan ni dating Pangulong
Noynoy Aquino at Mar Roxas ay nagwagi si Duterte sa Sulu. (Mindanao
Examiner)






No comments:
Post a Comment