FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, September 11, 2022

Batanes, tambak sa bawang!

TAMBAK umano ang bawang sa lalawigan ng Batanes at sobra-sobra ito sa pangangailangan doon kung kaya’t nanawagan at inalok ni Governor Marilou Cayco ang mga negosyante sa bansa na bilhin ang kanilang produkto.

Ito ay matapos na mapabalitang umabot pa sa P400 bawat kilo ang presyo ng bawang sa Luzon dahil sa kakulangan ng supply. Nabatid pa kay Cayco na organic ang kanilang bawang at nasa P100 lamang bawat kilo ang halaga nito. 

Tinatayang aabot sa 25 tonelada o 25,000 kilo ng bawang ang ngayon ay nasa Batanes, ayon kay Cayco. 

Karamihan ng mga bawang sa bansa ay galing pa sa China at malayo sa kalidad ng bawang ng Pilipinas. 

Inamin naman ng Department of Agriculture ang kakulangan sa supply ng bawang, sibuyas at maging ng asin sa bansa. Naunang sinabi ng pamahalaan na maging ang asukal ay kulang na rin kung kaya’t kailangang umangkat ng 150-300 tonelada ng asukal. 

Mataas na demand ang dahil sa mga kakulangan sa bawang, sibuyas, asukal at asin. Simnisipat naman ng awtoridad kung may cartel na kumu-kontrol sa supply ng mga ito matapos na masabat sa iba’t-ibang bodega sa bansa ang tone-toneladang asukal. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment