‘DOE kinalampag naman sa Zamboanga’
ZAMBOANGA CITY - Naglaan ng P2.2 bilyong pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa mga proyekto ng Department of Energy (DOE) sa taong 2023.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang pondo ay bahagi ng prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos sa sektor ng enerhiya na naglalayong makapagbigay ng mura at maaasahang suplay ng kuryente sa taumbayan.
Ilan sa mga programa ng DOE na layong pondohan ay ang Total Electrification Project, Renewable Energy Development Program, Energy Efficiency and Conservation Program, at Alternative Fuels and Technologies Program.
Bagama’t malaking tulong ang pondo sa mga programa ng DOE, marami naman ang nanawagan sa naturang ahensya na aksyunan nito ang malalang problema sa operasyon ng Zamboanga City Electric Cooperative (ZAMCELCO).
Inirereklamamo ng mga mamamayan ang walang humpay na voltage fluctuation, over reading ng mga metro ng kuryente, ang walang kwentang serbisyo sa publiko, partikular sa Service Department; at ang back billing ng ZAMCELCO na nagreresulta ng biglang pagtaas ng singil sa kuryente sa tuwing pinapalitan ang mga lumang metro.
May panukala pa ang ZAMCELCO na maningil ng P85 sa
ilalabas nitong identification card nito sa mga member-consumers. Over-priced
diumano ito dahil may mga gumagawa ng PVC IDs sa Zamboanga sa halagang P30-P50
bawat isa kumpara sa P85 singil ng ZAMCELCO.
Pinatitignan rin ng publiko ang matagal ng proyekto ng San Ramon Power Plant ng Alsons Consolidated Resources at hanggang ngayon ay puro pangako umano ang kumpanya sa pagtatayo ng 105-megawatt coal fired power plant dito. Mahigit isang dekada na itong proyekto at hindi pa rin matapos-tapos. (Mindanao Examiner)





No comments:
Post a Comment