FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, September 21, 2022

‘Good Job’ PNP

MAYNILA - Ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr., na nakapagtala ang PNP ng “zero casualties” sa pagpapatupad ng kampanya kontra droga at sa halip ay halos 2,000 mga drug offenders at high-value suspects ang naaresto.

Ito ay sa isinagawang 1,790 operasyon kontra sa ilegal na droga, na nagresulta sa pagkakasabat ng 67.8 kilos ng shabu, 194 kilos ng marijuana products, at 701,000 tanim ng marijuana na may kabuuang halagang ₱625.1 milyon. 

General Rodolfo Azurin Jr.

Una nang sinabi ni Azurin, na hindi kailangan palaging may namamatay sa mga operasyon ng PNP kontra droga.

Muling pinanindigan ng Azurin na mananaig ang “rule of law” sa mga operasyon ng PNP, at gagawin nila ang lahat para mahuli, makasuhan at maparusahan ang mga lumabag sa batas. 

Balak rin ni Azurin na makipag-usap kay Vice President Sara Duterte upang maipaliwanag ang istilo ng anti-crime campaign ng PNP sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ito ay matapos na sabihin ni Duterte na dapat ay “no mercy” ang ipakita sa mga kriminal. 

Ayon kay Azurin, wala siyang nakikitang hindi pagkakatugma sa sinabi ng Duterte sa pagpapairal ng PNP ng tamang batas sa kanilang mga operasyon.  Paliwanag pa nito na maaaring tingnan ang sinabi ni Duterte sa kontekstong “no mercy” sa pag-aresto at pagkulong ng mga kriminal. 

Matatandaang una nang sinabi ni Azurin, na hindi kailangang takutin ang mga kriminal at hindi kailangan na may palaging namamatay sa mga operasyon ng PNP. Muling pinanindigan ni Azurin na mananaig ang “rule of law” sa mga operasyon ng PNP, at gagawin nila ang lahat para mahuli, makasuhan at maparusahan ang mga lumabag sa batas. 

Matatandaang iniimbestigahan ng International Criminal Court ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga may kinalaman sa extrajudicial killings ng mga drug suspects. Maraming mga pulis ang diumano’y sangkot sa naturang alegasyon. 

Nais rin ni Pangulong Bongbong Marcos na masunod ang batas sa wastong pamamaraan sa kampanya kontra droga. Pinuri rin ng Simbahan si Azurin at ang kasalukuyang administrasyon at sa pamamaraan ng gobyerno sa kampanya kontra droga. (Leo Sarne, Radyo Pilipinas at Mindanao Examiner)

 



No comments:

Post a Comment