FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, November 13, 2022

BIFF, target ng militar

COTABATO CITY – Patuloy ang operasyon ng militar kontra Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Central Mindanao sa kabila ng sunod-sunod na pagsuko ng mga kasapi nito.

Ito ang kinumpirma ng 6th Infantry Division at sa katunayan umano ay dalawang miyembro ng BIFF ang napatay sa labanan na naganap sa Barangay Kuloy sa bayan ng Shariff Aguak sa magulong lalawigan ng Maguindanao.

 

Nakasagupa ng mga sundalo mula sa 33rd Infantry Battalion ang dalawang miyembro ng BIFF na sakay ng isang tricycle. Pinaputukan umano ng mga rebelde ang tropang nagbabantay sa checkpoint kung kaya’t nauwi ito sa labanan.


“When the personnel of Bravo Company were about to inspect the tricycle, the rider disembarked and suddenly fired towards the approaching troops which prompted them to return fire killing the two BIFF men. The firefight lasted seven minutes,” ani Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., ang battalion commander.

 

Ayon sa Shariff Aguak PNP, ang dalawa ay kasapi ng BIFF sa ilalim ng pamumuno ni Commander Kamir Kambal at kumander Abdulkarim Lumbatan.

 

Sinabi ni Major General Roy Galido, ang commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, na hindi palalampasin ng tropa ng militar ang sinumang lalaban sa batas.

 

“For a couple of times, we have been calling those victims of violent extremism to lay down their arms and go back to the folds of the law to avoid circumstances like this, but some are not heeding it, at gusto pang makipaglaban sa ating mga otoridad,” pahayag pa ni Galido.

 

Dahil dito, nasa anim na mga BIFF na ang nasawi habang 175 ang nagbalik-loob sa pamahalaan simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan. (Mindanao Examiner)




No comments:

Post a Comment